Hirap sa Pagtulog


Head | Neurolohiya | Hirap sa Pagtulog (Symptom)


Paglalarawan

Pwedeng may kaakibat ang hirap sa pagtulog na hirap bago makatulog kapag ikaw ay humihiga sa kama sa gabi, paggising ng sobrang maaga, o paggising sa gitna ng gabi. Ito rin ay pwedeng may kasamang mga kombinasyon ng mga paternong ito.

Sa ilang yugto ng buhay, karamihan sa atin ang nakakaranas ng hirap na makatulog ng maayos. Gayunpaman, kung ang mga problema sa pagtulog ay regular na nangyayari at nakakaapekto na sa pang-araw-araw na buhay, ang isang tao ay maaaring nakararanas ng karamdaman sa pagtulog. Ang mga karamdaman sa pagtulog ay sanhi ng higit pa sa pagiging maantukin. Ang hindi magandang kalidad ng tulog ay pwedeng mayroong negatibong epekto sa enerhiya, balanseng emosyonal, at kalusugan ng tao.

Mga Sanhi

Ang hirap sa pagtulog sa mga adulto ay maaaring sanhi ng pagtanda, alkoholismo o biglang paghinto sa pag-inom ng alak pagkatapos ang matagal na pag-inom, pagkabalisa, depresyon, mga sakit, tulad ng lumaking prosteyt, cystitis, COPD, rayuma, pangangasim ng sikmura, at mga problema ng puso o baga, sobrang saya o sigla, madalas na pag-ihi, paggamit ng mga droga, jet lag, ilang mga medikasyon, pagbabago ng gamot, mga pampasigla na iniinom sa gabi, kasama ang nicotine, alak, kapeina, o pagkain, istres at pag-aalala at iba pa.

Pagsusuri at Paggagamot

Habang ang ilang mga karamdaman sa pagtulog ay nangangailangan ng pagbisita sa doktor, maraming mga problema sa pagtulog ang pwedeng mapabuti ng kusa. Ang unang hakbang sa pag-aayos ng problema sa pagtulog ay ang pagtukoy at maingat na pagsubaybay sa mga sintomas at paterno ng pagtulog. ...