Diplopia o Pagdodoble ng Paningin
Mata | Optalmolohiya | Diplopia o Pagdodoble ng Paningin (Symptom)
Paglalarawan
Karaniwang kilala bilang pagdadalawa ng paningin, ang diplopia as pagsasabay ng pagkakaaninag ng dalawang imaghe ng isang bagay na maaaring makita sa iba't ibang paraan tulad ng pahiga, patayo, o diyagunal ang pagkakaugnay sa isa't isa.
Ang diplopia ay kinaklasipika na binokyular, monokyular, pansamantala o boluntaryo.
Ang binokyular diplopia ay nakikita sa nagdadalawang paningin na nagiging resulta ng pagkawala ng pagkahanay ng mga mata, tulad ng nangyayari sa esotropiya o eksotropiya. Sa kasong ito, habang ang fovea ng isang mata ay nakatutok sa bagay na tinitingnan, ang fovea ng isa pa ay nakatutok sa kung saan, at ang imahe ng bagay na tinitingnan ay napupunta sa extra-foveak area ng retina.
Ang monokyular diplopia ay mas madalang at nakikita sa pagkakaroon ng kakayahang makakita sa isang mata lamang o kung ang pasyente ay nakakikita ng higit pa sa dalawang imahe, monokyular polyopia.
Ang pansamantalang diplopia ay maaaring dahil sa kalasingan o mga pinsala sa ulo, tulad ng kongkusyon. Kung ang pansamantalang pagdadalawa ng paningin at hindi nawawala ng agaran, ang isang tao ay dapat kumunsulta sa isang ophthalmologist kaagad.
Ang boluntaryong diplopia ay tuwing pasadyang hindi pinagkakawing ng mga tao ang kanilang mga mata, maaaring sa pamamagitan ng sobrang pagpopokus ng malapitan (halimbawa pagduduling-dulingan) o hindi pagpopokus. At, habang nakatinguin sa isang bagay sa likod ng isa pang bagay, ang imahe ng pinaka nasa harapang bagay ay magiging dalawa (halimbawa, paglalagay ng isang daliri sa gitna ng mukha habang nagbabasa ng mga nakasulat sa monitor ng kompyuter). Sa puntong ito, ang nagdadalawang paningin ay hindi delikado o nakakasama, at maaari pa ngang nakakaigaya.
Mga Sanhi
Ito ay kadalasang resulta ng may sirang panksyon ng mga kalamnang extraocular, kung saan ang mga mata ay patuloy paring nagpapanksyon kung may diplopia ngunit hindi magtatagpo upang mapokus sa bagay na nais makita. Ang diplopia ay kadalasang isa sa mga pinaka unang senyales ng sistematikong karamdaman, partikular na sa muscular at neurological na proseso, maaari nitong maapektuhan ang balanse ng isang tao, pagkilos at/o ang kakayahang bumasa. ...