Pagkahilo o Mabilis na Paghinga
Dibdib | Pulmonolohiya | Pagkahilo o Mabilis na Paghinga (Symptom)
Paglalarawan
Ang hyperventilation ay ang mabilis na paghinga, kung saan ang bentilasyon ay lumalampas sa kinakailangan ng metabolic demand, at ang mga kaugnay sa pisiolohikal na kahihinatnan. Ang labis na panghihina ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo, pag-gaan ng ulo, kahinaan, iksi ng paghinga, pakiramdam ng kawalan ng katatagan, pamumulikat ng kalamnan sa mga kamay at paa, at pangangatal ng pakiramdam sa paligid ng bibig at mga kamay. Ang lahat ng mga sintomas na ito ay resulta ng abnormal na baba ng antas ng carbon dioxide sa dugo na dulot ng labis na paghinga.
Ang hyperventilation ay nagdudulot ng labis na paggamit ng oxygen at pag-aalis ng carbon dioxide at maaaring maging sanhi ng hyperoxygenenation. Maaaring mangyari ang hyperventilation sa kahit sino. Karaniwan, ang mga may sapat na gulang ay humihinga ng walo hanggang 16 na paghinga bawat minuto. Ang bilis ng paghinga na lampas sa 16 sa bawat minuto ay katangian ng alinman sa hyperventilation o tachypnea (mabilis na kaunting paghinga). Habang ang tachypnea at hyperventilation ay minsang itinuturing na magkatulad, ang hyperventilation ay karaniwang nauugnay sa stress o pagkabalisa.
Mga Sanhi
Ang stress o pagkabalisa ay karaniwang sanhi ng hyperventilation. Kilala rin ito bilang hyperventilation syndrome. Ang hyperventilation ay maaari ring boluntaryo, sa pamamagitan ng paghinga ng malalim at maraming sunud-sunod. Ang hyperventilation ay maaari ding mangyari bilang resulta ng iba't ibang mga sakit sa baga, kapinsalaan sa ulo, o stroke at iba't ibang mga sanhi ng pamumuhay. Sa kaso ng metabolic acidosis, ang katawan ay gumagamit ng hyperventilation bilang nagagalaw na mekanismo upang mabawasan ang acidity ng dugo. Sa setting ng diabetic ketoacidosis, kilala ito bilang Kussmaul na paghinga - nailalarawan ng mahaba at malalim na paghinga.
Pagsusuri at Paggamot
Ang paraan ng paggamot ng hyperventilation ay naglalayong madagdagn ang dami ng carbon dioxide sa dugo, ito ay kadalasan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng iyong rate ng paghinga. Sa mga seryosong kaso neto, maaaring kailanganin ang pag-inom ng gamot upang gamutin ang hyperventilation. Ang pagsangguni sa sikolohikal ay nagpapakita ng magandang resulta sa mga taong may kaso ng pgkabalisa at pagpapanic na humahantong sa hyperventilation. ...