Xerostomia o Tuyong Bibig
Bibig | Pangkalahatang Pagsasanay | Xerostomia o Tuyong Bibig (Symptom)
Paglalarawan
Ang pagkawala ng laway ay isang karaniwang problema na maaaring magdulot ng hindi kaginhawahan, ngunit ang tuyong bibigy ay pwedeng makaapekto sa sarap ng pagkain at kalusugan ng ngipin. Ang medikal na salita na naglalarawan sa tuyong bibig ay xerostomia.
Ang tuyong bibig ay pwedeng magsanhi ng mga problema dahil ang laway ay tumutulong sa pagpipigil ng pagkabulok ng ngipin sa pamamagitan ng paglimita sa paglaki ng bakterya at pagkain at tumutulong sa pagtanggal ng tartar at plaque. Pinapataas ng laway ang kakayanang makalasa ng pagkain at pinapangasiwaan ang paglunok. Sa karagdagan, ang mga ensaym sa laway ay tumutulong sa pagtutunaw. Kahit na ang paggagamot ay nakadepende sa sanhi, ang tuyong bibig ay kadalasang epekto ng medikasyon. Ang kondisyon ay pwedeng mapabuti sa pamamagitan ng pagsasaayos ng dosis o pagbabago ng medikasyon.
Kung isang tao ay hindi nagpuprodyus ng sapat na laway, ang mga senyales at sintomas na ito ay pwedeng mangyari: Tuyong bibig; Laway na parang malagkit, madikit; Mga bitak sa gilid ng bibig; Tuyong mga labi; Mabahong hininga; Hirap sa pananalita at paglunok; Namamagang lalamunan at masakit; Nabagong panlasa; Mga impeksyong fungal ng bibig; Tumaas ng insidente ng plaque, pagkabulok ng ngipin at sakit ng gilagid.
Mga Sanhi
Daan-daang mga medikasyon, kasama ang ilang gamot na walang reseta, ay mayroong epektong tuyong bibig. Ang mga uri ng gamot na mas madalas ng nagsasanhi ng gayong problema ay ang ilang mga medikasyong ginagamit upang gamutin ang depresyon at pagkabalisa, mga antihistamine, decongestant, antihypersentive, mga relaxant ng kalamnan, gamot upang gamutin ang urinary incontinence at Parkinson na sakit. Ang edad ay hindi salik ng panganib upang magkaroon ng kondisyong ito.
Gayunpaman, ang mga matatanda ay nasa mas mataas na insidenteng ang paggamit ng gamot ay magroon ng mga epektong tuyong bibig at sila ay higit na lapitin ng mga sakit na kaakibat ito. Ang mga gamot na pang-kemoterapiya ay pwedeng magpabago sa likas at dami ng pinuprodyus na laway. Ang radyasyon sa ulo at leeg ay pwedeng makapinsala sa mga glandulang panglaway, nagsasanhi ng malaking pagbaba ng produksyon ng laway. Ang kahit anong trauma o operasyong nagsasanhi ng mga pinsala sa nerb sa ulo at leeg ay pwedeng magsanhi ng tuyong bibig.
Ang tuyong bibig ay pwedeng resulta ng ibang mga kondisyong medikal 0 o kanilang paggagamot 0 kasama ang mga sakit na autoimmune, sindrom na Sjogren, dyabetis, Parkinson na sakit, HIV/AIDS, mga karamdamang pagkabalisa at depresyon. Ang stroke at Alzheimer na sakit ay pwedeng magsanhi ng tuyong bibig, kahit na ang mga glandulang panglaway ay gumaganap pa rin ng maayos. Ang paghilik at paghingang may bukas ng bibigy ay pwedeng makadagdag sa problema. ...