Madaling Magkaroon ng Pasa


Balat | Dermatolohiya | Madaling Magkaroon ng Pasa (Symptom)


Paglalarawan

Ang isang nagkulay na lugar sa ilalim ng balat na sanhi ng pagtagas ng dugo mula sa mga nasirang mga capillary (maliliit na daluyan ng dugo) ay tinatawag na pasa. Ang terminong medikal na ginagamit dito ay pasa din. Nagiging kulay berde at kayumanggi ito kapag ito ay kumupas habang ang katawan ay nag-memetabolismo sa mga selula ng dugo at bilirubin na pangkulay sa balat. Pinakamabisang gamutin kaagad ang isang pasa sa pamamagitan ng lokal na aplikasyon ng isang malamig na pambalot pagkatapos ng pisang kapinsalaan. Ang mga may edad ay karaniwang madaling nagkakaroon ng pasa.

Mga Sanhi

Bagama’t hindi nakakapinsala ang karamihan sa mga pasa at nawawala lamang ito kahit na hindi ginagamot, ang kadalasang pagkakaroon ng pasa ay senyales ng isang mas seryosong problema. Maraming mga kadahilanan ang maaaring mag-ambag sa madaling pagkakaroon ng pasa habang tayo ay tumatanda, kabilang dito ay ang: tumatandang mga capillary - sa paglipas ng panahon, ang mga tisyu na sumusuporta sa mga lagayan ay lalong humihina, at ang mga pader ng mga maliliit na ugat ay nagiging mas marupok at madaling masira; pagnipis ng balat – dulot din ng pagtanda, ang iyong balat ay nagiging manipis at nawawala ang ilang proteksiyon na fatty layer na tumutulong sa pag-cushion sa mga daluyan ng dugo mula sa isang kapinsalaan. Nagpapabilis sa prosesong ito ang sobrang pagkakalantad sa araw.

Maaaring palatandaan ng mga kondisyong medikal ang madaling pagkakaroon ng isang pasa kabilang na lamang dito ang mga autoimmune disorder, kakulangan sa bitamina, leukemia at iba pang mga kanser, at mga karamdaman sa pamumuo ng dugo. Ang mga karamdamang ito ay malimit na nailalarawan sa pamamagitan ng pagkabigo ng dugo na wastong namuo, na nagpapahiwatig ng kakulangan sa mga kadahilanan sa pamumuo nito (mga sangkap sa dugo na nagtutulungan upang huminto ang pagdurugo). Maaaring magresulta ito sa mabigat o hindi mapigilang pagdurugo pagkatapos ng kapinsalaan o trauma. Maaaring namamana o dahil sa mga gamot na ginagamit, kakulangan sa bitamina, o sakit sa atay ang mga karamdaman sa pamumuo ng dugo. ...