Madaling pamamasa na Etsimosis


Balat | Dermatolohiya | Madaling pamamasa na Etsimosis (Symptom)


Paglalarawan

Ang etsimosis ay tila kulay asul na diskolorasyon sa bahagi ng balat o mauhog na lamad na dulot ng ektravasasiyon ng dugo papunta ilalim na bahagi na tisyu na nagresulta ng isang trauma mula sa pangunahing daluyan ng dugo o kahinaan ng mga haligi ng mga sisidlan. Ang etsiimosis ay isang terminong pangmedikal sa pangilalim na balat na mas malaki pa sa 1 sentimentro o hematoma, kadalasang tinatawag na pasa. Maaari din itong makita sa balat o mauhog na lamad.

Sa balat, ang pasa ay maaaring maging diskolorsayon na mamula-mula na kulay lila na hindi namumuti kapag diniinan. Kung minsan ang pasa ay naiuugnay sa mga pansamantalang naka uka na bahagi ng balat. Kapag ang pasa ay nawala na, nagiging kulay berde ito at kayumanggi habang ang katawan ay nag memetabolize ng selula ng dugo at biliburin ng pangkulay ng balat. Pwedeng mapagaling ang pasa sa pamamagitan ng aplikasyon ng malamig na pakete matas ang isang pinsala.

Mga Sanhi

Ang mga pasa ay maaaring direktang tumugon sa mga pinsala o pwedeng mangyari dahil sa iba pang kadahilanan. Madalas na ang mga pasa ay mas madalas nang mangyari paglipas nadin ng panahon, na nagreresulta sa mga karagdagan paglaki nito at pamamaga. Ang pasa na makiikita sa ibat ibang lokasyon maliban sa kung saan ang lugar ng pinsala ay tinatawag na ektopiko na pasa at nangyayari kapag ang tisyu sa lugar na iyon ay lumaylay, na hinahayaan na ang dugo ay dumaloy sa ilalim ng balat papunta sa iba pang lugat dahil nadin sa gravity o iba pang pwersa, tulad ng pangingitim ng mata. ...