Lumaking Puso
Dibdib | Kardiyolohiya | Lumaking Puso (Symptom)
Paglalarawan
Ang puso ay isang bombang kalamnan na mayroong laki ng nakatikom na kamao. Ang lumaking puso ay hindi isang kondisyon, ngunit isang sintomas ng mga problemang nagsasanhi ng mas mahirap na trabaho ng puso kaysa normal. Ang mga mas matatandang tao ay nasa mas mataas na panganib dito. Ang ibang tawag para sa lumaking puso ay cardiomegaly.
Mga Sanhi
Ang saklaw ng mga problemang pwedeng magresulta sa lumaking puso ay: (1) patolohikal – kaugnay sa mga aktwal na sakit sa kalamnan ng puso; (2) pisyolohikal – kaugnay sa ibang mga sanhi na sobrang pinagtatrabaho ang kalamnan ng puso, tulad ng altapresyon o mga sakit sa teroydeo.
Sa ilang mga kaso, ang lumaking puso ay walang sintomas. Kapag nagkaroon ng mga sintomas, ito ay maaaring dahil nagpalya ang puso sa epektibong pagbomba ng dugo at ito ay nagriresulta sa sindrom na tinatawg na congestive heart failure. Maaaring kasama sa mga sintomas ang: mga problema sa puso, pagkakapos ng hininga, pagkahilo, iregular na pagtibok ng puso (aritmiya), mga palpitasyon ng puso, at retensyo ng likido.
Ang paglaki ng puso ay pwedeng sanhi ng marami at iba-ibang mga kondisyong kasama ang mga sakit sa kalamnan ng puso o balbula ng puso, altapresyon, mga aritmiya, at mga altapresyon ng baga. Ang lumaking puso ay pwede ring may kaakibat na kakulangan sa dugo at sakit sa teroydeo kung minsan.
Pagsusuri at Paggagamot
Ang paggagamot at pagbabala ay nakadepende sa sanhi. ...