Matataba o Makakapal na Dumi ng Tao
Puwit | Gastroenterology | Matataba o Makakapal na Dumi ng Tao (Symptom)
Paglalarawan
Ang terminong medikal para sa mga taba sa dumi ng tao ay steatorrhea. Ito ay maaaring maging sanhi ng napakalaking dumi na lumulutang, may isang maymantika o madulas na anyo, at may mabahong amoy. Ang mga mamantikang bagay sa dumi ng tao ay ang mga tabang hindi nasipsip ng digestive tract. Maaaring magresulta mula sa mga pagbabago sa pagdidiyeta o impeksyon sa bituka ang pagkakaranas ng pansamantalang steatorrhea. Ang paulit-ulit na pagkakaroon ng steatorrhea ay maaaring magresulta mula sa mga sakit sa biliary tract, pancreas, o bituka.
Nakasalalay sa apdo ang pagsisipsip sa mga mamantikang taba (na kung saan ay ginawa sa atay at inimbak sa gallbladder), pancreatic lipases (mga enzyme na sumisira sa taba), at ang normal na pagpapaandar ng bituka. Madalas na sanhi ng pagbara ng biliary tract ang pagkawala ng apdo at maaaring magresulta sa maputlang kulay ng matataba at mamantikang mga dumi at jaundice. Hindi pangkaraniwan ang pagkawala ng pancreatic lipases, ngunit maaari itong humantong sa isang may sirang pancreas, cystic fibrosis, o isang abnormalidad na naroroon na simula pagsilang.
Mga Sanhi
Maaaring ang kakulangan ng mga bile acid (dahil sa nasirang atay, mga gamot na hypolipidemik, o natanggal ang gallbladder sa isang cholecystectomy) ang mga posibleng biyolohikal na kadahilanan, mga depekto sa mga pancreatic enzyme, at mga may sirang mucosal cell. Nagiging kulay-abo o maputla ang mga dumi dulot sa pagkawala ng mga bile acid. Ang isa pang dahilan nga pagkakaroon ng steatorrhea ay dahil sa masamang epekto ng octreotide o lanreotide, na kung saan ay mga analog ng somatostatin na ginagamit ng mga klinikal para gamutin ang acromegaly. Maaari din itong maging sanhi ng pagkain ng mga pagkaing naglalalaman ng mga hindi kaagad matunaw na langis o taba, katulad na lamang ng Olestra, o bilang isang pangalawang epekto sa paggamit ng mga gamot na pumipigil sa pagsipsip ng mga pandiyetang taba, tulad ng Orlistat. ...