Utot


Sikmura | Gastroenterology | Utot (Symptom)


Paglalarawan

Ang utot ay ang paglabas ng gas mula sa gastrointestinal tract papunta sa tumbong. Araw-araw, ang karaniwang tao ay nakakabuo ng isa hanggang apat na pint ng gas at inilalabas ito hanggang 14 na beses. Kahit na nakakapagdulot ng kahihiyan sa ilang tao ang pag-utot, ito parin ay natural na pangyayari.

Mga Sanhi

Ang pagkain ng ilang mga pagkain o pag-inom ng mga carbonated beverages ay nagbibigay ng hangin sa tiyan at nakakapagpadami ng utot. Makalulunok rin ng hangin kapag kumakain ng mabilis o kapag ngumunguya ng chewing gum.

Ang utot ay dulot rin ng daanan ng hindi natunaw na pagkain mula sa small intestine hanggang sa large interstine. Ang bakterya sa large intestine ay pinoproseso ang pagkain at bumubuo ng harmless gases, tulad ng carbon dioxide, hydrogen, at methane, na nailalabas bilang gas sa tumbong. Ilang mga pagkain, na mayroong carbohydrates, fiber at mga asukal, ay mas nakabubuo ng gas kaysa sa ibang pagkain.

Ang mga sintomas ng labis na pag-utot ay ang: passing wind often, smelly flatus, loud flatus, abdominal distension at kahirapan, pagkulo ng ibabang tiyan.

Maaaring makapagdulot ng pag-utot ang iba't-ibang uri ng mga kondisyon at sakit na gastrointestinal . Maaaring mautot kapag mabagal ang pantunaw, tulad ng gastroparesis (delayed stomach emptying), at mga mekanikal na bara, tulad ng pyloric obstruction (barado sa pagitan ng sikmura at small intestine). Ang mga buntis ay maaari ring makaranas ng pag-utot dahil sa hormonal changes na nakapagpapabagal sa kanilang pantunaw. Maaari ring manggaling ang utot sa mga kondisyon na nakapipinsala sa normal na proseso ng pantunaw sa ilang paraan, gaya ng acid reflux, hiatal hernia, o stomach acid deficiency. ...