Malabong Pag-iisip o Pagkalito
Head | Neurolohiya | Malabong Pag-iisip o Pagkalito (Symptom)
Paglalarawan
Ang estado ng pakataranta o hindi malinaw na pag-iisip ng tao tungkol sa isang bagay ay maituturing bilang isang pagkalito. Ito ay isang pagbabago sa katayuan sa kaisipan na kung saan ang isang tao ay hindi masyadong nakakapag-isip nang tama hindi tulad sa kanyang karaniwang antas ng pag-iisip. Ang pagkalito ay kadalasang humahantong sa pagkawala ng kakayahang makilala ang mga tao at o mga lugar, o sabihin ang oras at ang petsa. Ang mga pakiramdam ng pagkakataranta ay karaniwang pagkalito, at ang kakayahan sa paggawa ng desisyon ay nagiging mahina.
Mga Sanhi
Maaaring biglang lumitaw o umunlad nang unti ang pagkalito sa paglipas ng panahon. Ito ay may maraming mga sanhi, kabilang dito ang kapinsalaan, mga kondisyong medikal, medikasyon, mga pangkapaligirang kadahilanan, at mga materyal na pang-aabuso. Maaari ding mabilang ang: pagkalasing sa alkohol, tumor sa utak, pagkakalog, lagnat, trauma o pinsala sa ulo, sakit sa isang matandang tao, sakit sa isang taong may umiiral niyorolohikal na sakit tulad ng stroke, impeksyon, kakulangan ng tulog, mababang asukal sa dugo, mababang antas ng oksiheno, medikasyon, kakulangan sa nutrisyon, lalo na ang niacin, thiamine, bitamina C, o bitamina B12, mga sumpong, at ang biglaang pagbaba ng temperatura ng katawan (hypothermia).
Ang pinakakaraniwang dahilan ng mga sapilitang sanhi ng talamak na pagkalito ay gamot na dopaminergic na ginagamit para sa sakit na Parkinsons, diuretics, tricyclic o tetracyclic antidepressants at benzodiazepines. Ang mga matatanda at maging ang mga dating mayroong dementia ay pinakapanganib para sa mga gamot talamak na estadong pagkakalito. Isang sintomas ang pagkataranta at maaari itong humantong mula sa banayad hanggang sa maging malubha na maaari samahan ng disorientation, pagkaantok, hyperactivity, o pagkabalisa. Para sa malalang kaso, maaaring magkaroon ang isang tao ng guni-guni, pakiramdam ng paranoia, at isang estado ng delirium. ...