Pinsala sa Ulo
Head | Neurolohiya | Pinsala sa Ulo (Symptom)
Paglalarawan
Ang pinsala ay ulo ay isang malawak na salita na naglalarawan sa maraming pinsala na nangyayari sa anit, bungo, utak, at mga tisyu at ugat sa ulo. Ang mga pinsala rin sa ulo ay karaniwang tinatawag na pinsala sa utak, o traumatic brain injury (TBI), depende sa saklaw ng trauma sa ulo. Ang mga pagtama sa ulo ang pinakakaraniwang sanhi ng pinsala sa utak, mahalagang tandaan na ang mukha at panga ay nasa harapan ng ulo. Ang pinsala sa utak ay maaari ring may kaakibat na pinsala sa mga istrukturang ito. Mahalaga ring tandaan na ang pinsala sa ulo ay hindi palaging nangangahulugang mayroong pinsala sa utak.
Mga Sanhi
Ang mga tao ay kadalasang nakakaranas ng mga pinsala sa ulo dahil sa pagkakahulog, mga pagbabangga ng sasakyan, pagbabangga o pagkakabangga sa isang bagay, at mga pag-asulto. Ang pagkakahulog at pagkakabangga ang pinakakaraniwang sanhi ng pinsala sa ulo sa mga bata.
Ang mga pinsala sa ulo ay pwedeng bukas o sarado. Ang sarado (non-missile) na pinsala sa ulo ay kung saan ang dura mater ay nanatiling buo. Ang bungo ay pwedeng mapinsala, ngunit hindi naman kinakailangan. Ang tumatagos na pinsala sa ulo ay nangyayari kapag ang isang bagay ay tumagos sa bungo at tinamaan ang dura mate. Ang pinsala sa utak ay pwedeng malawakan, nangyayari sa malawakang bahagi, o focal, na nasa maliit, tiyak na lugar.
Kung mayroong intracranial na pagdurugo, ang hematoma sa loob ng bungo ay pwedeng maglagay ng presyur sa utak. Ang mga uri ng intracranial na pagdurugo ay ang subdural, subarachnoid, extradural, at intraparenchymal hematoma. Ang mga operasyong craniotomy ay ginagamit sa mga kasong ito upang mabawasan ang presyur sa pamamagitan ng pag-aalis sa dugo. Kung ang pwersa ay nagsanhi ng paggalaw ng ulo, ang pinsala ay pwedeng mas lumala, dahil ang utak ay maaaring tumama sa loob ng bungo at magsanhi ng karagdagang mga pinsala, o ang utak ay manatili pa rin sa lugar nito (dahil sa inertia) ngunit maaaring gumalaw sa pamamagitan ng paggalaw ng bungo (parehong mga pinsalang contrecoup). ...