Malakas, pinahaba, at hindi regular na pagregla
Pelvis | Hinekolohiya | Malakas, pinahaba, at hindi regular na pagregla (Symptom)
Paglalarawan
Ang wastong medikal na paglalarawan para sa malalakas na regla ay tumutukoy sa pagdaan ng higit sa walongpung (80) ml ng dugo sa bawat panahon ng pagregla.
Itinuturing na malakas ang pagregla kapag: (i) ang isang babae ay dumudugo ng higit sa walo (8) hanggang sampung (10) araw, (ii) labis na dumudugo ang isang babae na mahirap para sa kanya na magtrabaho. Maaari pa siyang mapilitang planuhin ang kanilang bakasyon at oras ng paglilibang ayon sa oras ng kanyang dalaw. (iii) ang pagdugo ay patuloy na lumalakas at nagiging sanhi ng paggiging anemic ng babae, (iv) ang pagkakaroon ng maliliit na pamumuo ng higit sa isa o dalawang araw ay nagmumungkahi ng malakas ang pagregla, (v) ang biglaang pagbuhos at hindi inaasahang pagdating ng regla, (vi) patuloy na pagdugo kahit na matapos nang dumaan sa menopos na estado.
Kadalasan, kapag ang isang babae ay dumudugo mula sa tumbong o dugo sa ihi, maaari niyang isipin na ang dugo ay nagmula sa kanyang ari. Maaaring ipasok sa ari ng babae ang isang tampon upang kumpirmahin na iyon ang pinanggagalingan ng pagdurugo.
Mga Sanhi
Ang mga sanhi ng matagal at malakas na pagdurugo ay maaaring sanhi ng isang pansamantalang hormonal imbalance, na kalaunan ay sarili itong naitama. Sa mga panahong nakakaranas ng menopos (apat na apu’t limang taong gulang) ang malakas na regla ay karaniwang isang tanda ng kawalan ng hormonal imbalance. Gayunpaman, ang posibilidad ng malakas na pagdudrugo ay sanhi ng isang pinagbabatayang sakit na tumataas habang tumatanda.
Ang mga (i) fibroids, (ii) endometriosis, (iii) pelvic inflammatory disease. (iv) polyps ng lining ng matris, (v) tinaguriang dysfunctional uterine bleeding (DUB) ay mga karaniwang kundisyon na nauugnay sa malakas na pagregla. Ito ay tumutukoy sa labis na pagdurugo na walang malinaw na paliwanag. ...