Pananakit ng sakong
Paa | Ortopediks | Pananakit ng sakong (Symptom)
Paglalarawan
Ang sakong ay unan ng fatty tissue na nagpoprotekta sa istruktura ng paa, kasama na rito ang buto ng sakong, kalamnan at mga litid. Isang karaniwang karamdaman ang pagsakit ng sakong. Ang mga komplikasyon rito ay ang plantar fasciitis at heel spurs. Ang sever's disease ay isang karaniwang sanhi ng pagsakit ng sakong sa mga bata.
Mga Sanhi
Ang sakit sa sakong ay maaaring magresulta sa ilang kadahilanan. Abnormalidad sa balat, nerves, mga buto, blood vessels, at mga soft tissue ng sakong ay maaaring magresulta sa pagsakit nito. Dahil sa paglalakad at araw-araw na paggalaw, tayo ay laging nasa peligro na masaktan o magka-trauma sa paligid ng sakong.
Ang mga karaniwang sanhi ng pagsakit ng sakong ay ang paltos at mga kalyo. Ang plantas fasciitis, ay pamamaga sa bowstring-like tissue sa talampakan na inuunat mula sa sakong hanggang sa harapan ng paa, ito ay isang kondisyon na karaniwang naiuugnay sa pagsakit ng sakong.
Ilang sa mga sanhi ng pagsakit ng sakong ay ang: (1) hindi maayos na paglalakad (lakad), tulad ng pag-ikot sa paa ng paloob (2) Obesity (3) Ill-fitting shoes (4) pagtayo, pagtakbo o pagtalon sa matitigas na kalatagan (5) pinsala sa sakong, tulad ng stress fractures (6) Bursitis (pamamaga ng bursa - bursae ay maliliit na sacs na naglalaman ng likido upang dumulas ang mga ginagalaw na parte ng katawan, tulad ng kasukasuan at kalamnan) (7) Neuroma (nerve enlargement) (8) Ilang mga karamdaman, kasama ang diabetes at arthritis. ...