Mataas na Temperatura

Heneral at iba | Pangkalahatang Pagsasanay | Mataas na Temperatura (Symptom)


Paglalarawan

Tumutukoy sa isang kataasan sa temperatura ng katawan ang pagkakaroon ng mataas na temperature o lagnat. Sa teknikal na paraan, ang anumang temperatura ng katawan na mas mataas sa normal na oral na pagsukat na 98. 6 F (37 C) o ang normal na rectal na temperatura na 99 F (37. 2 C) ay itinuturing na mataas. Gayunpaman, ang mga ito ay mga pamantayan, at ang normal na temperatura ng katawan ng isang tao ay maaari talagang 1 F (0. 6 C) o higit pa na mataas o mas mababa sa average ng 98. 6 F. Maaari ring mag-iba hanggang sa 1 F (0. 6 C) buong araw ang temperature ng katawan.

Sa pangkalahatan, kapag tumaas ang temperature ng katawan ng isang tao, nakakaramdam ng panlalamig sa kabila ng tumataas na temperatura ng katawan. Kapag maabot na ang bagong temperatura, nagkakaroon ng mainit na pakiramdam.

Mga Sanhi

Maaaring mging sanhi ang lagnat ng maraming iba't ibang mga kondisyon mula sa benign hanggang sa seryosong potensyal. Mayroong mga argumento para sa at laban sa kahalagahan ng lagnat, at ang isyu ay nagiging kontrobersyal. Maliban sa napakataas na temperatura, madalas na hindi kinakailangan ang paggamot upang mabawasan ang lagnat. Gayunpaman, maaaring maging epektibo sa pagbaba ng temperatura, na maaaring mapabuti ang ginhawa ng mga apektadong tao ang mga gamot na antipirina.

Hyperpyrexia naman ang tawag sa isang lagnat na may matinding mataas ng temperatura ng katawan na higit sa o katumbas ng 41. 5 ° C (106. 7 ° F). Itinuturing na isang pang-emerhensiyang medikal ang ganitong taas ng temperaturadahil at maaari itong magpahiwatig ng isang seryosong kondisyon o humantong sa mga mahalagang mga epekto. Isang intracranial hemorrhage ang pinakakaraniwang sanhi. Ito ay karaniwang sinamahan ng pagkakasakit na karamdaman, na binubuo ng pagkahilo, pagkalungkot, kawalan ng gana, pagkakatulog, hyperalgesia, at ang kawalan ng kakayahang mag-concentrate. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».