Pamamaga ng Bukung-bukong

Paa | Ortopediks | Pamamaga ng Bukung-bukong (Symptom)


Paglalarawan

Ang bukung-bukong ay isang uri ng kasukasuan na naguugnay. Ang pamamaga ng bukung-bukong ay isang kondisyon ng kinasasangkutan ng pamumuo ng likido o pamamaga sa kasukasuan at mga tisyu ng bukung-bukong.

Mga Sanhi

Ang pamamaga ng bukung-bukong, na kilala din sa terminong edema, na nangyayari matapos ang matagal na pagkakatayo, mula sa seryosing impeksyopn, trauma, hindi maayos na sirkulasyon, hindi maayos na puso, at iba pang mga abnormal na proseso. Pinsala sa bukung-bukong na maaaring magdulot ng pamamaga ay ang mga: baling buto, kalamnan, ligament, o pinsala sa litid, tulad ng napunit na ligament o hinilang kalamnan at paulit ulit na pinsala dulot ng stress. Kondisyon na may mga impeksyon ay ang mga sumusunod: Amiloydosis, isang hindi pangkaraninwang sakit sa resistensya, Bursitis, Osteoartritis, Septik artritis o Sistematikong eritematosus na lupus.

Ang pamamaga ng bukung-bukong ay maaari ding dahilan ng pagbubuntis, sobrang timbang, problema sa vascular, o kondisyong ortopediko tulad ng nabaling buto o pilay sa bukung-bukong. Ang namagang bukung-bukong ay maaaring sintomas ng isang malubhang karamdaman, tulad ng pagpalya ng puso, trombosis sa malalim na bahagi ng ugat, at pag palya ng atay.

Ang pamamaga ng bukung-bukong ay pwede ding mangyari kasama pa ng iba pang sintomas na nakadepende sa kung ano pang ang mga naunang sakit, hindi maayos na kalagayan o kondisyon. Ang mga sintomas na ito ay pwedeng hindi naman malala tulad ng paglambot, paninigas ng kasukasuan, pulikat sa kalamnan, mapula, namamagang kasukasuan, sobtang pagkapagod o panghihina o mas malubhang karamdaman tulad ng: pakiramdam na hindi natutunawan o sakit sa tyan, nahihilo o nasusuka, pamumula at pangiinit ng balat, kinakapos sa paghinga o tila humuhuni, mataas na lagnat.

Pagsusuri at Paggamot

Ang kasaysayan sa medikal at medikal na pagususri ay ang mga kinakaingan dahil importante ito sa paghahanap sa mga kung ano talaga ang mga sanhi ng pamamaga ng bukung-bukong upang malaman kung anong uri ng paggamot ang nararapat. Ang ibang medikasyon ( terapi sa pagpapalit ng hormone, kapsula para sa pagkontrol ng paganak, medikasyon para sa presyon ng dugo, steroyds at kontra depressants) madalas na mayroong masamang epekto ng pamamaga. Ang paggamit ng X ray ay kadalasang inuutos kapag merong pinsalang nangyari. Sa ibang kaso, kinakailangan ng mas maraming detalye, kung kaya’t ang CT scan o DVT na ultrasound ay pwedeng magamit upang masuri ang mga ugat sa binti para makakita ng mga pagbabara. Ang pagsusuri sa dugo at pagsusuri sa ihi ay pwede ding gawin kung mayroong pinagsususpetsahang impeksyon o gout. Ang pisisiyan ay maaari ding magsagawa ng ECG upang malaman kung meron bang porblema sa puso.

Ang paggamot sa pamamaga ng bukung-bukong ay nakadepende sa mga pinaka sakit na nararamdaman, at kasama dito: kontra depressant, tulad ng trisaykliks at inhibitor na MAO, steroyds, medikasy...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».