Pamamaga ng Gilagid
Bibig | Odontolohiya | Pamamaga ng Gilagid (Symptom)
Paglalarawan
Ang gingivitis ay ang pangalan na ginagamit sa katmatamang anyo ng periodontal (gum) disease. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng pangangati, pamumula, at pamamaga ng mga gilagid dahil sa pagbuo ng plaka sa ilalim ng linya ng gum. Ang bakterya ay nabubuhay at dumadami sa plaka, na dumidikit sa ngipin at umaakit ng mas maraming pagdami ng bakterya.
Ang mga sintomas ng gingivitis ay hindi gaanong tiyak at maliwanag sa tisyu ng gum bilang mga klasikong palatandaan ng pamamaga:
(1) Mga namamaga na gilagid; (2) Maliwanag na pula o lila na gilagid parang kulay pasa; (3) Mga gilagid na malambot o masakit sa paghawak; (4) Mga dumudugong gilagid pagkatapos magsipilyo.
Bilang karagdagan, ang stippling na karaniwang mayroon sa tisyu ng gums ng ilang mga indibidwal ay madalas na mawala at ang mga gilagid ay maaaring lumitaw na makintab kapag ang tisyu nito ay namamaga at nakaunat sa ibabaw ng namamagang pinag-mumulan o nag-uugnay na tisyu. Ang pag akumulasyon ay maaari ding maglabas ng isang hindi kaaya-ayang amoy. Kapag namamaga ang gingiva, ang epithelial lining ng gingival crevice ay nagkaka ulser at ang mga gilagid ay mas madaling magdugo kahit na hindi madiin ang pgsisipilyo, at lalo na kapag flossing.
Mga Sanhi
Ang gingivitis ay nangyayari dahil sa maraming mga kadahilanan. Kadalasan, ang mga tao ay nakakakuha ng gingivitis mula sa hindi magandang kalinisan sa bibig na nagreresulta sa pagbuo ng mga plaka o mikrobiyo sa ilalim ng linya ng gum. Kapag ang mga gilagid ay natakpan ng plaka, ito ay magreresulta sa pamamaga ng gum at ang posibilidad ng impeksyon. Maaari itong humantong sa isang mas malubhang anyo ng sakit sa gilagid na kilala bilang periodontitis, na kung hindi magagamot ay maaaring sirain ang mga tisyu na sumusuporta sa mga ngipin, kabilang ang mga gilagid, mga periodontal ligament, at mga socket ng ngipin (alveolar bone). ...