Pangangati sa Lugar ng Ari ng Babae
Pelvis | Hinekolohiya | Pangangati sa Lugar ng Ari ng Babae (Symptom)
Paglalarawan
Ang pangangati ng ari ng babae ay pagtusok-tusok o iritasyon ng balat ng ari ng babae at napakapalibot na bahagi dito (vulva). Ang pangangati ay maaaring magsanhi ng kagustuhang kamutin ang lugar na ito.
Mga Sanhi
Kahit na ang pangangati ng ari ay karaniwang dahil sa mga impeksyong yeast o ibang mga impeksyon ng ari (kasama ang mga sakit na naipapasang pansekwal, mga STD), ang pangangati ng ari at bahagi ng vulva ay mayroong maraming mga sanhi.
(1) Mga nakakairitang kemikal tulad ng panglaba, mga pampalambot sa damit, mga pangwisik sa ari ng babae, mga pamahid, mga krim, mga douch, at kontraseptibong foam o jelly.
(2) Menopos. Ang pagbaba ng estrogen na hormon ay nagsasanhi ng panunuyo ng ari.
(3) Ang istres ay maaaring magpataas ng pangangati ng ari at maaaring gawin kang mas madaling kapitan ng mga impeksyon.
(4) Impeksyong yeast ng ari ng babae
(5) Vaginitis. Ang vaginitis sa mga babae bago pa man ang yugto ng pagdadalaga ay karaniwan. Kung ang isang batang babae ay mayroong impeksyon sa ari na naipapasang pansekswal,
Gayunpaman, ang abusong sekswal ay dapat na ikonsidera at aksyunan. Naipakita ng ilang mga pag-aaral ang ugnayan sa pagitan ng sikolohikal na istres at mga impeksyong yeast sa ari. Ito ay dahil sa katotohanang ang istres ay kilalang nagsasanhi ng negatibong epekto sa sistemang immune at pwedeng posibleng magpataas ng pagkakaroon ng impeksyong yeast.
Ang ibang posible, hindi masyadong karaniwan, mga sanhi ng pangangati ng ari ay:
(1) Mga kondisyon sa balat na precancerous ng vulva; (2) Mga pinworm (isang impeksyong parasito na pangunahing inaapektuhan ang mga bata). ...