Makating Braso
Braso | Dermatolohiya | Makating Braso (Symptom)
Paglalarawan
Isang sensasyon na nagdudulot ng pagnanais na kamutin ang balat sa bahagi ng braso ay maaring mailarawan bilang pangangati ng braso.
Mga Sanhi
Ilan sa mga posibleng sanhi ng pangangati ng braso ay ang mga sumusunod na kondisyong medikal at kinabibilangan ng mga sakit at dahilan ng epekto ng gamot. Mayroong posibilidad na may iba pang mga posibleng dahilan ng pagkakahranas nito. Kabilang sa kondisyon ay ang mga sumusunod: xerotic eczema, senile pruritis, scabies, kagat ng insekto, atopic dermatitis, sakit sa balat, infestations, impeksyon, talamak na hepatitis, sunog ng araw, nakahahadlang na biliary disease, talamak na sakit sa bato, HIV, malignancy, mga parasito, gamot, neurodermatitis, pantal sa braso.
Maaaring nagdurusa mula sa kondisyong medikal na kung tawagin ay brachioradial pruitus ang mga taong nakakaranas nang matinding pangangati sa mga braso ngunit may balat na lumilitaw na normal. Ito ay pwedeng mangyari sa isa o parehong braso. Ang pangangati ay kadalasang nasa likod ng bisig subalit maaaring umabot sa itaas na mga braso at balikat.
Tila nagiging malala ang pangangati sanhi ng matinding pagkakamot sa mga apektadong bahagi At dito alaman ng ilang tao na ang paglalapat ng mga ice pack ay ang tanging paraan upang maibsan ang pangangating nararamdaman. Ang mga kadahilanan ng brachioradial pruritus ay pinaniniwalaan na mayroong dalawang teorya. Ang una ay ang hipotesis ng araw, na kung saan napapaisip ng mga taong nagkaroon ng talamak na pagkakalantad sa araw ay ang pagkakaroon ng isang alerdye na uri ng histamine na tugon sa kanilang balat. Pinaniniwalaang sanhi ng ilang uri ng pinsala sa servikal (bahaging leeg) na pinsala sa nerbya ang alternatibong dahilan ng brachioradial pruritus. ...