Pananakit sa Kasukasuan


Heneral at iba | Rayumatolohiya | Pananakit sa Kasukasuan (Symptom)


Paglalarawan

Binubuo ng mga koneksyon sa gitna ng mga buto ang mga kasukaksuan. Nagbibigay ito ng suporta at tumutulong sa paggalaw ng isang tao. Ang anumang problema sa mga kasukasuan na nagmula sa sakit o pinsala ay maaaring makagambala sa pagkilos at maging kadahilanan ng iba pang maraming sakit.

Mga Sanhi

Maaaring maging sanhi ito ng iba't ibang mga kondisyon at maging labis na nakakainis. Maaaring magresulta ito mula sa mga sakit sa autoimmune tulad ng rheumatoid arthritis at lupus, chondromalacia patella, gout (matatagpuan sa malaking daliri ng paa) at mga nakaka-impeksyong sakit tulad ng viral syndrome, Epstein-Barr virus, hepatitis influenza.

Isang autoimmune disorder na nagdudulot ng paninigas at pananakit sa kasukasuan ang rheumatoid arthritis. Ang pagkabulok ng mga kartilago sa kasukasuan at paglaki ng mga butong tumutubo ay tinatawag na osteoarthritis, na karaniwang nararamdaman ng mga may sapat na gulang na higit sa apat na pu’t limang (45) taon at maaaring maging sanhi ng pananakit sa kasukasuan. Maaari din itong maging dahilan ng bursitis (pamamaga ng bursae). Ang mga pouch ay mga lagayan na puno ng likido na nagpapadikit sa mga buto, at nagpapahintulot sa malayang paggalaw ng mga kalamnan at litid sa buto. ...