Pananakit ng tuhod
Mga binti | Ortopediks | Pananakit ng tuhod (Symptom)
Paglalarawan
Ang pananakit ng tuhod ay isang karaniwang karamdaman na nakakaapekto sa lahat ng tao kahit ano pang edad nito.
Mga Sanhi
Ang pananakit ng tuhod ay maaaring resulta ng isang pinsala, tulad ng pumutok na litid o torn cartilage. Ang mga medikal na kondisyon - katulad ng arthritis, gout at mga impeksyon - ay maaaring maging dahilan ng pagsakit ng tuhod. Ang ilan sa mga uri ng mababaw na pananakit ng tuhod ay tumutugon ng maayos sa sariling nitong pag-aalaga. Ang physical therapy at knee braces ay makakatulong rin upang mapaginhawa ang sakit na nararamdaman sa tuhod. Sa ilang mga kaso, bagaman, maaaring kailanganin ng tuhod ang isang operasyon.
Ang lokasyon at kalubhaan ng sakit sa tuhod ay maaaring mag-iba, depende sa sanhi ng problema. Ang mga tanda at sintomas na kadalasang naiuugnay sa pananakit ng tuhod ay ang: (i) Pamamaga at paninigas (ii) Pamumula at mainit na pandamdam (iii) Kahinaan at karupukan (iv) Pagputok at langutngot na mga tunog (v) Locking, o kawalan ng kakayahang maidiretso ng tuwid ang tuhod. ...