Mga Hirap sa Pagkatuto
Head | Neurolohiya | Mga Hirap sa Pagkatuto (Symptom)
Paglalarawan
Ang hindi kakayanang matuto ay isang pangkalahatang salita na naglalarawan sa mga tiyak na uri ng problema sa pagkatuto. Ang hindi kakayanang matuto ay pwedeng magsanhi sa isang tao ng problema sa pagkatuto at paggamit ng ilang mga abilidad. Ang mga abilidad na pinakamadalas na naaapektuhan ay: pagbabasa, pagsusulat, pagsasalita, pagrarason, at paggawa ng matematika.
Ang mga hindi kakayang matuto/learning disabilities (LD) ay nag-iiba kada tao. Ang isang taong walang kakayanang matutuo ay maaaring walang kaparehong uri ng mga problema sa pagkatuto tulad ng sa ibang taong dumadanas rin nito. Ang isang tao ay maaaring mayroong problema sa pagbabasa at pagsusulat. Ang ibang taong walang kakayanang matuto ay maaaring mayroong mga problema sa pag-intindi ng matematika. Gayun rin, ang ibang tao ay maaaring mayroong problema sa bawat larangan, gayun na rin sa pag-unawa sa mga sinasabi ng tao.
Mga Sanhi
Iniisip ng mga nanaliksik na ang walang kakayanang matuto ay sanhi ng pagkakaiba sa paraan ng paggawa ng tuak ng tao at kung paano ito nagpuproseso ng mga impormasyon. Ang batang walang kakayanang matuto ay maaaring hindi bobo o tamad. Sa katunayan, kadalasang sila ay mayroong katamtaman o mas mataas pang talion. Nagpuproseso ng impormasyon ang kanilang utak sa ibang paraan. ...