Pamamanhid ng binti o Paresthesia
Mga binti | Neurolohiya | Pamamanhid ng binti o Paresthesia (Symptom)
Paglalarawan
Ang pamamanhid ng mga binti ay isang abnormal na kondisyon na kung wala kang mararamdaman dahil nawalan ng sensasyon ang iyong mga binti. Maaari kang magkaroon ng pamamanhid sa isang binti (unilateral) o parehong mga binti (bilateral leg pamamanhid). Pwede ding umabot sa daliring bahagi ng iyong mga paa ang pamamanhid na iyong nararamdaman.
Mga Sanhi
Madalas na nagiging sanhi ng pamamanhid sa binti ay ang kakulangan ng suplay ng dugo sa isang partikular na lugar o pinsala sa ugat. Maaari ding magresulta ang pamamanhid dahil sa impeksyon, pamamaga, trauma at iba pang hindi normal na proseso. Marami sa kaso ng pamamanhid na nararamdaman ay nangyari hindi dahil sa mga karamdamang nakamamatay, kundi sa resulta ng istrok at mga bukol. Nakadepende sa kung ano ang dahilan, ang pagkawala ng sensasyong makaramdam ay agaran din naming nawawala, kagaya nalang ng pamamanhid sa pigi at binti pagkatapos ng mahabong panahon na pagkakaupo. Pwedeng maramdaman ang pamamanhid ng biglaan o unti-unti. Ang matinding uri pamamanhid na nararamdaman sa binti ay madalas na nagbibigay motibo sa ilang antas ng pinsala sa ugat. ...