Masakit na binti

Mga binti | Rayumatolohiya | Masakit na binti (Symptom)


Paglalarawan

Ang sakit sa binti ay anumang klase ng pananakit o kakulangan sa ginhawa sa binti, mula sa kasukasuan ng balakang hanggang sa takong. Pangkaraniwan lamang na inirereklamo ang pananakit ng binti. Ang mga binti ay binubuo ng mga kasukasuan, kalamnan, litid, ligament, ugat at mga daluyan ng dugo na kapag ang lahat ay napinsala, impeksyon o iba pang mga kundisyon ay maaaring magresulta ng pananakit ng binti. Maaaring magtagal lamang ng pandaliang ang pananakit na nararamdaman sa binti o maging pare-pareho, at maaaring makaapekto sa buong binti o sa isang partikular na parte lamang sa binti.

Maaaring makaramdam ng sakit na tila ba nangangati, parang tinutusok-tusok o kinakagat. Ang mga sensasyong nararamdaman tuwing sumasakit ang binti ay madalas mailarawan na pang tinutusok tusok ng karayom, matulis na pakiramdam, o mainit na sensasyon ay tinatawag din na paretesiyas. Pwedeng ang sakit na nararamdaman sa binti ay simpleng pagkairita lamang at hindi komportable, o tila ba nakakapanghina na hindi mailagay ng ayos ang timbang sa mga binti o makapaglakad ng maayos.

Mga Sanhi

Ang sakit sa binti ay maaaring lumalabas lamang mula sa iba't ibang mga kundisyon mula sa hindi sinasadyang trauma hanggang sa mga kondisyong kinasasangkutan ng ugat. Sa kawalan ng trauma o iba pang mga sintomas, ang sakit sa binti ay karaniwang sanhi ng pulikat, na tinatawag ding Charley horse. Sa ilang mga kaso, maaaring magmula sa ibang bahagi ng katawan ang pananakit na nararamdaman sa binti tulad ng sa likod na bahagi ng katawan.

Pagsusuri at Paggamot

Kung mayroon nang iba pang sintomas na nararamdaman kasama ang ang iyong pananakit sa binti, nararapat lamang na ipagbigay-alam sa tagapangalaga ng iyong kalusugan sa panahon ng pagbisita sa ospital. Ang impormasyong ito ay magsisilbing tulong sa doktor na malaman ang tamang dayagnostiko. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».