Kawalan ng balanse o Vertigo

Head | Otorhinolaryngology | Kawalan ng balanse o Vertigo (Symptom)


Paglalarawan

Ang vertigo ay isang balance disorder na nailalarawan ng isang kaguluhan na nakakapagdulot ng pakiramdam tulad ng unsteadiness, pagkalula, pagkalabo ng paningin, sensasyon sa paggalaw, pagkahilo, o pakiramdam na lumulutang, at kawalan ng balanse ng isang tao.

Ang vertigo ay isang seryosong karamdaman dahil nakapagpapataas ito sa panganib na magkaroon ng iba pang mga seryosong karamdaman tulad ng strokes at tumors. Mayroong iba't-ibang uri ng vertigo, ito ay ang: peripheral vertigo, objective vertigo at central vertigo, kaya, ang paggamot sa vertigo ay isang pangangailangan dahil maaari itong mapunta sa malubhang imbalance problems. Ang vertigo, ay ang pakiramdam ng pag-ikot ng paligid at minsan ay sinasamahan ng pagduduwal at pagsusuka, nangyayari kapag ang ilan sa mga parte ng sistema ay nasira. Subalit, hindi ginagamit ng mga tao ang salitang ito upang mailarawan ang kanilang mga sintomas bagkus ginagamit nila ang salitang dizziness o lightheadedness. Bahala na ang health care practitioner sa pag-intindi sa mga sintomas ng tao at matukoy ang vertigo bilang sanhi ng kanilang sitwasyon.

Mga Sanhi

Habang marami ang mga sanhi ng vertigo, ang pangunahing pagkakaiba ay sa pagitan ng central causes ng vertigo at peripheral causes. Ang central causes ay nangyayari dahil sa abnormalidad sa cerebellum ng utak. Ang mga sanhi ng dizziness na may kaugnay sa tainga ay kadalasang nailalarawan sa vertigo (pagkahilo) at pagduduwal.

Ilan sa mga pinaka-karaniwang sanhi ng vertigo ay ang mga sumusunod: benign paroxysmal positional vertigo, labyrinthitis na maaaring masundan ng isang viral infection na nakapagdudulot ng pamamaga sa gitnang bahagi ng tainga, Meniere's disease, Acoustic neuroma, Inner ear trauma, at Vestibular migraines.

Pagsusuri at Paggamot

Ang unang hakbang sa pagtulong sa isang taong mayroong vertigo ay kunin ang historya ng taong ito at intindihin ang sintomas ng pagkahilo na maaaring may kaugnayan sa ibang mga sintomas.

Ang klase ng paggamot ay kadalasang nakadepende sa sanhi ng vertigo. Ang vertigo na dulot ng BPPV o labyrinthitis ay maaaring magamot ng maayos. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».