Pagkawala ng Memorya

Head | Neurolohiya | Pagkawala ng Memorya (Symptom)


Paglalarawan

Ang pagkawala ng memorya ay kilala din sa tawag na amnesia, ito ay nailalarawan ng hindi normal na pagiging makakalimutin at kawalan ng kakayahang maalala ang nakaraan.

Depende sa sanhi, ang pagkawala ng memorya ay maaaring pansamantala lamang o permanente na pwedeng biglaan o dahan-dahan. Ang pagkawala ng memorya ay maaaring kawalan ng alala mula sa kakatapos lang na event, matagal na pangyayari, o parehas. Bagamat ang proseso ng pagtanda ay nagkakaroon na ng hirap sa pagtuto ng mga bagong bagay, ang normal na pagtanda ay hindi sanhi ng kawalan ng memorya depende na lang kung ito ay may kasama g karamdaman na nagsasanhi ng pagkawala ng memorya.

Mga Sanhi

Ang mga sanhi ng amnesia ay nahahati sa ibat-ibang mga kategorya. Ang memorya ay nakalagay sa limbic system ng utak, at ano mang bagay ang maka gambala dito ay siyang nagsasanhi ng amnesia. Ang mga sanhi nito ay ang sikolohikal na salik gaya ng mental na karamdaman, stress mula sa trauma, o psychoanalitical term, defense mechanism. Ang amnesia ay pwede din lumabas bilang sunod sunod na episodyo, sa kaso ng transient global na amnesia.

Ang amnesia ay maraming uri. Ang post-traumatic amnesia ay karaniwang nangyayari pagkatapos ng isang pinsala sa ulo, dissociative amnesia ay sanhi ng isang sikolohikal na sanhi kasama ang: repressed memory, dissociative fugue, post-hypnotic amnesia. Ang Lacunar amnesia ay ang pagkawala ng memorya tungkol sa isang partikular na pangyayari nung pagkabata amnesia ay ang kawalan ng kakayahan na matandaan ang mga pangyayari mula sa pagkabata. Ang Source amnesia ay isang sakit sa memorya kung saan maaaring maalala ng isang tao ang ilang partikular na impormasyon, ngunit hindi nila alam kung saan o paano nila nakuha ang impormasyon na iyon. Ang amenisia bilang resulta ng paggamit ng droga ay sadyang sanhi ng pag-iniksyon ng isang amnesiac na gamot upang matulungan ang isang pasyente na kalimutan ang operasyon o mga pamamaraang medikal. Ang Anterograde amnesia ay ang pagkawala ng pangmatagalang memorya, ang pagkawala ng kakayahang bumuo ng mga bagong alaala sa pamamagitan ng kaisipan. Retrograde amnesia, ang pagkawala ng mga dati nang alaala ay tina-target ang pinakahuling alaala ng pasyente. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».