Pagkawala ng Kulay ng Balat
Balat | Dermatolohiya | Pagkawala ng Kulay ng Balat (Symptom)
Paglalarawan
Ang Vitiligo ay isang kondisyon sa balat kung saan ang pagkawala ng kulay ng balat ay sanhi ng paglabas puting balat (depigmentation). Ang mga hindi regular na puting patsd ay maaaring maganap sa anumang parte ng katawan. Dahil sa pagkakaiba sa pagitan ng mga apektado at hindi apektadong lugar, ang kondisyong ito ay mas nakikita ng mga taong may maitim na balat. Nakakaapekto ito sa 1% hanggang 2% ng populasyon at maaaring maapektuhan ang sinuman.
Ang kondisyong ito ay maaari ring makaapekto sa mucuos membrane at sa retina ng mata. Ang buhok na tumutubo sa mga parte na apektado ng vitiligo ay maaari ding pumuti. Kasama sa mga sintomas ng vitiligo ang paglitaw ng mga hindi regular na puting patse, o iba`t ibang antas ng pagkawala ng kulay ng balat.
Kadalasang napapansin ng mga tao ang pagkawala ng pigment o kulay sa mga sumusunod na lugar: mukha, labi, kamay, braso, paa. Ang iba pang mga lugar kung saan maaaring maganap ang mga puting patse dahil sa vitiligo ay: sa kilikili, mata, ari, singit, pusod, ilong.
Mga Sanhi
Ang isang taong may vitiligo ay walang sapat na melanocytes na gumagana sa katawan, kaya't walang sapat na melanin na nagagawa sa balat.
Ang sanhi ng vitiligo ay hindi tukoy, ngunit ang mga doktor at mananaliksik ay may iba't ibang mga teorya. Mayroong matibay na katibayan na ang mga taong may vitiligo ay nagmana ng mga pangkat ng tatlong mga genes na nauugnay sa dipegmintation. Ang pinaka-tinatanggap na pananay ay ang depigmentation ay nangyayari dahil ang vitiligo ay isang autoimmune disease - isang sakit kung saan tumutugon ang immune system ng isang tao laban sa sariling mga organo o tisyu ng katawan.
Ang katawan ng tao ay gumagawa ng mga protina na tinatawag na cytokines na, sa vitiligo, ay binabago niyo ang cell na gumagawa ng pigment at naging sanhi ng pagkamatay ng mga cell na ito. Ang isa pang teorya ay ang mga melanocytes na sumisira sa kanilang sarili. Sa wakas, ang ilang mga tao ay nag-ulat na ang mga kaganapan tulad ng sunburn o emosyonal na pagkabalisa ay nag-trigger ng vitiligo; gayunpaman, ang mga kaganapang ito ay hindi napatunayan ng sayantipiko bilang sanhi ng vitiligo.
Pagsusuri at Paggamot
Ang pangunahing layunin ng paggamot ng vitiligo ay para mapaganda ang itsura nito. Ang terapi para sa vitiligo ay tumatagal ng isang mahabang oras at ito ay karaniwang kinakailangang ipagpatuloy sa loob ng 6 hanggang 18 buwan. Ang pagpili ng terapi ay nakasalalay sa bilang ng mga puting patse; ang kanilang lokasyon, laki, at kung gaano kalawak ang mga ito. Ang bawat pasyente ay magkakaiba ang pagtugon sa terapi, at ang partikular na paggamot ay maaaring hindi gumana sa lahat. Ang mga kasalukuyang pagpipilian ng paggamot para sa vitiligo ay kasama ang pag-inom gamot, operasyon, at adjunctive teraphy (ginagamit kasama ng mga paggamot sa operasyon o medikal). ...