Pananakit ng Kasukasuan o Arthraglia
Braso | Rayumatolohiya | Pananakit ng Kasukasuan o Arthraglia (Symptom)
Paglalarawan
Ang sakit na artralgia o pananakit mg kasukasuan ay nailalarawan sa pamamagitan ng kawalan ng ginhawa o pagrupom ng isang kasukasuan. Ang mga kasukasuan ay ang mga lugar kung saan nagtagpo ang dalawa o higit pang mga buto, tulad ng balakang, tuhod, balikat, siko at bukung-bukong, na nag papagalaw sa mga buto. Ito ay binubuo ng kartilogo, mga litid, supit na may likido na siyang sumusuporta sa kasukasuan na tinatawag na bursas, at synovial. Ang kahit anong istraktura ng kasukasuan ay pwedeng mag maga at kumirot na pwedeng tumugon sa katamtamang hindi birong sakit, karamdaman, o kundisyon. Ang pananakit ng kasukasuan ay pwedeng mangyar kahit ito ay hindi ginagalaw, at pwede din mabawasan ang paggalaw ng isang tao.
Ang pananakit ng kasukasuan ay nainilalarawan ng kakulangan sa ginhawa, pamamaga, pag-init ng pakiramdam, pamimintig, paninigas, at pagsakit. Ito ay pwedeng mangyari sa maikling oras, at pwede naman maging grabe pag umabot ng tatlong buwan.
Mga Sanhi
Ang pananakit ng kasukasuan ay maraming mga sanhi. Ang biglang pananakit ng kasukasuan ay pwedeng dahil sa biglang pagkapwersa ng litid, bursitis, o dislokasyon. Ang mas grabeng pananakit ng kasukasuan ay pwedeng sintomas ng mas malalang kundisyon, gaya ng rayuma, osteoarthitis, leukemia, o kanser sa buto.
Ang pananakit ng kasukasuan ay madalas umaatake kasabay ng ibang sintomas na iba pang mga sakit, karamdaman, o kundisyon. Qng iba pang mga sintomas ay gaya ng pamamaga ng kasukasuan, pamumula, and lagnat. Ang pananakit ng kasukasuan ay pwede din lumitaw kasabay ng ibang sintomas na may kinalaman dito, gaya ng: hindi kayang igalaw ang kasukasuan na apektado, hirap sa paggalaw, paninigas, pamamaga o nakikitang pagbabago sa itsura ng apektadong kasukasuan.
Pagsusuri at Paggamot
Ang mga pagsusuri na pisikal ay tumutulong na matukoy kung ang sakit ay nagmula sa mismong kasukasuan o tinukoy mula sa nerve root impingement ng spine, pagkakagap sa ugat sa paa, o iba pang patolohiya sa parehong dulo. Kasama sa mga pagsusuri sa laboratoryo ang erythrocyte sedimentation rate (ESR o sed rate), rheumatoid factor (RF), isang kumpletong bilang ng dugo na may hemoglobin, hematocrit, red blood cell (RBC), at bilang ng puting selula ng dugo (WBC), antas ng uric acid, at antinuclear mga antibodies
Ang paggamot ng kasukasuan ay pwedeng kailanganin ng operasyon, para sa malubhang napinsalang mga kasukasuan, mga immunosuppressant para sa immune system na apektado, mga antibiotics kung ang isang impeksyon ang sanhi ng pagsakit, at paghinto ng gamot kapag ang isang reaksiyong alerdyi ang sanhi. Ang konserbatibong pangangalaga sa kiropraktika ay nagpakita rin na kapaki-pakinabang sa paginhawa ng mga sintomas. ...