Pamamaga ng bibig

Bibig | Pangkalahatang Pagsasanay | Pamamaga ng bibig (Symptom)


Paglalarawan

Ang pamamaga sa bibig, na madalas na nauugnay sa stomatitis ay isang pamamaga ng lining ng alinman sa mga istrukturang malambot na tisyu ng bibig. Madalas na nakararanas ng masakit na pakiramdam ang kondisyon na stomatitis, na maaaring magdulot ng pamumula, pamamaga, at kung minsan ay pagdurugo mula sa apektadong lugar. Ang mabahong hininga (halitosis) ay maaari ring sumabay sa kundisyong ito. Ang stomatitis ay nakakaapekto sa lahat ng mga pangkat ng edad, mula sa sanggol hanggang sa mga matatanda.

Mga Sanhi

Maraming pwedeng maging dahilan ang pamamaga ng bibig. Kasama na dito ang paginom ng gamot para sa haypertensyon na maaaring magudyok sa reaksyon sa alerdyi. Maaari din iton reaksyon sa pag tugon n gating sistemang pangpalakas ng katawas laban sa mga dayuhan bagay sa pumapasok sa ating katawan. Pwede din itong maging senyales ng reaksyon sa isang alerdyi, pinsala sa bibig, o pigsa sa ngipin (koleksyon ng nana), herpes (impeksyon sa virus ng Estatitis sa bibig) o isang nakakahawang sakit.

Ang pamamaga ng bibig ay pwedeng maiugnay sa stomatitis, na kung saan ay pamamaga ng mauhog na lamad ng bibig na dahil narin sa kawalan ng kalinisan sa bibig, paglunok ng mga iritableng bagay tulad ng maiinit na pagkain, paggamit ng hindi magandang kalidad na toothpaste, maliit na sugat, na pagkatapos ay nahawahan o mga nahawaang ngipin at ng impeksyon sa bituka o pangkalahatang nakahahawang sakit. Nalalaman na may stomatitis kung nakakaramdam ng pananakit, pamumula, pamamaga ng bibig, nahihirapan sa pagnguya, paglalaway at mabahong hininga.

Pagsusuri at Paggamot

Ginagawa ang isang pisikal na pagsusuri upang suriin ang mga sugat sa bibig at iba pang mga problema sa balat at ang mga pagsusuri sa dugo ay maaari ring gawin upang matukoy kung mayroon na bang nabubuong impeksyon. Ang paggamot ng stomatitis ay nakadepende sa problemang naidulot dito. Ang paglilinis at mabuting kalinisan sa bibig ay mga importanteng bagay na dapat gawin. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».