Mga Kukong may Puting mga Batik
Mga kamay | Dermatolohiya | Mga Kukong may Puting mga Batik (Symptom)
Paglalarawan
Lumilitaw sa mga kuko ang mga putting mga batik at itoý hindi dahilan kakulangan sa kaltsyum. Ito ay tinawag bilang leukonychia at napaka-pangkaraniwan sa lahat.
Mga Sanhi
Karamihan sa mga oras, isang palatandaan lamang ng ilang nakaraang pinsala sa matrix (base) ng mga kuko ang mga puting batik. Sa oras na lumabas ang puting bahagi (mga anim na linggo pagkatapos ng pinsala) maaaring nakalimutan na ng tao ang lahat tungkol sa pagka-untog o pagpatok sa kanyang mga daliri. Kung minsan, maaaring magmula sa isang manikyur ang mga pinsala na naglalagay ng labis na presyon sa pundasyon ng mga kuko. Maaari ding maging tanda ng isang reaksiyong alerdyi sa polish ng kuko o mga hardeners ng kuko ang mga batik at kung minsan ay nagiging isang sintomas ng isang banayad na impeksyon.
Ang leukonychia ay nangyayari kapag ang lahat ng mga kuko ay nagpapakita ng mga puting batik o bahid. At maaari itong maiugnay sa isa pang mas seryosong kondisyon tulad na lamang ng anemia, sakit sa puso, cirrhosis, diabetes o sakit sa bato.
Pagsusuri at Paggamot
Ang mga spot ay karaniwang hindi nangangailangan ng anumang uri paggamot kahit na anuman ang pinangmulan ng ganitong pinsala at nangangailangang mawala habang lumalaki ang kuko. Hindi sila maaaring bumalik maliban na lamang kapag lumitaw ang panibagong pinsala sa kuko. Isang mahusay na kasanayan ang pagbibigay pansin sa mga pagbabago at abnormalidad sa iyong mga kuko sa pangkalahatan. ...