Nerbiyos

Head | Saykayatrya | Nerbiyos (Symptom)


Paglalarawan

Isang sikolohikal na estado ng isip, ang nerbiyos ay kinakarakterisa ng pakiramdam ng walang kapahingahan, pangamba at pag-aalala. Salungat sa takot, sa gayong sitwasyon, walang porma ng panlabas na banta. Hindi palaging nagdudulot ang nerbiyos ng negatibong epekto sa isang tao. Sa ilang pagkakataon, ito ay tumutulong sa pagkumpleto ng isang gawain ng mas mainam. Gayunpaman, ang sobrang nerbiyos ay masama at maaaring magsanhi ng pisikal, emosyonal, sikolohikal, at kognitibong panghihina sa isang tao.

Mga Sanhi

Maraming mga salik na nagsasanhi ng nerbiyos.

Ang nerbiyos ay pwedeng sanhi ng: pagtigil ng pag-inom ng alak o paggamit ng droga, labis na paggamit ng kapeina at ibang mga pampasigla, mga karamdamang hormonal, mga sikayatrikong kondisyon, tulad ng karamdamang pagkabalisa, atake ng panik & mga episodyong manik, mga epekto ng ilang gamot, pag-aalala tungkol sa relasyon, mga isyu sa pagiging magulang, mga kondisyong medikal, tulad ng mga seizure, stroke, mga imbalanseng hormonal o sa teroydeo, kawalan ng kapanatagan.

Kasama sa mga sintomas ng nerbiyos ang: pagkalito, pagkahilo, tuyong bibig, labis-labis na bilis ng tibok ng puso, pagod, takot ng pagkawala ng kontrol, pakiramdam ng pangamba, kaba, mga problemang gastrointestinal, hindi pagkakatulog, pakiramdam ng hindi totoo o hindi konektado sa mundo, walang kapanatagan, walang kakayanang gumawa ng pang-araw-araw na gawain, kawalan ng konsentrasyon, mga pananakit ng kalamnan, pagduduwal o sakit ng tiyan, mga palpitasyon, kumakabog na puso, sakit ng dibdib, pakiramdam na parang nabubulunan, pagkakapos ng hininga, istres/tensyon, namamawis na kamay, nanginginig, kaibang tiyan.

Pagsusuri at Paggagamot

Kasama sa diyagnosis ng nerbiyos ang ilang mga eksam tulad ng: pisikal na eksaminasyon para sa mga posibleng sanhi ng pisikal na sakit na maaaring magsanhi ng nerbiyos o maging nerbiyos, eksaminasyon ng estado ng pag-iisip – kasama ang anyo, gawi, bilis at pagtuloy-tuloy ng pananalita, kalooban, epekto, kontento ng pag-iisip, ebidensya ng kahit anong mga halusinasyon o abnormal na paniniwala, oryentasyon ng oras, lugar at tao, atensyon at konsentrasyon, panandaliang memorya, kabatiran at panghuhusga. Maaari ring kasama ang mga eksam sa dugo, eksam sa pagganap ng teroydeo upang maibukod ang hyperthyroidism, mga eksam sa ihi- 24 oras na urinary catecholamine upang maibukod ang phaeochromocytoma, pagsala ng droga upang maibukod ang pag-abuso ng droga bilang sanhi ng pagkabalisa, 24 oras na holter monitor – upang maibukod ang paroxysmal cardiac arrhythmia na maaaring mapagkamalang nerbiyos dahil sa mga palpitasyon at EEG – ginagawa kung ang nerbiyos ay paulit-ulit upang maibukod ang epilepsi. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».