Labis na Timbang


Heneral at iba | Kalakasan ng Katawan at Medisina sa Isports | Labis na Timbang (Symptom)


Paglalarawan

Ang salitang labis na timbang ay ginagamit sa dalawang magkaibang paraan. Ito ay isang paraan ng pagsasabing mabigat ang isang tao. Ang isa pang kahulugan ng labis na timbang ay tiyak at tumutukoy sa estado sa pagitan ng normal na timbang at labis na katabaan.

Ang labis na timbang rin ay pwedeng ilarawan sa pamamagitan ng body mass index (BMI), kung saan ang timbang ng isang tao na nasa kilogram (kg) ay hinahati sa iyong tangkad na nasa meter (m) squared. Dahil inilalarawan ng BMI ang bigat ng katawan kaugnay sa tangkad, ito ay talagang naiuugnay (sa mga adulto) sa kabuuang taba ng katawan. Ang labis na timbang ay BMI na 27. 3% o higit pa para sa mga babae at 27. 8% o higit pa para naman sa mga lalaki. Ang labis na katabaan ay BMI na 30 at higit pa.

Mga Sanhi

Ang labis na timbang ay unti-unting nabubuo mula sa panget na diyeta at pamumuhay at, pwedeng ring mamana. Ang mga pamimilian sa buhay ay mahalagang salik na nakakaimpluwensya sa bigat. Ang pagkain ng mas maraming mga kaloriya kaysa sa kinakailangan ay maaaring mangyari dahil sa mga pagkaing hindi masustansya. Ang kawalan ng pisikal na gawain ay isa ring mahalagang salik na kaugnay sa sobrang katabaan. Ang ilang mga kondisyong genetiko ay pwedeng magpataas sa gana gayun na rin samga kondisyong medikal tulad ng sindrom na Cushing (bihirang karamdaman na nagsasanhi ng sobrang produksyon ng mga hormon na isteroyd), sobrang hindi aktibong glandulang teroydeo (hypothyroidism) o sindrom na polycystic ovary.

Pagsusuri at Paggagamot

Ang pinakamagandang paraan upang gamutin ang labis na timbang ay bawasan ang dami ng kaloriya sa pang-araw-araw na diyeta at regular na pag-iehersisyo. Ang uri ng diyeta at ehersisyo ay parehong makabubuti sa bawat tao, at pwedeng sundin ang kaligtasa, depende sa tao. Ang General Practitioner ay dapat na konsultahin bago gumawa ng kahit anong malalaking pagbabago sa pamumuhay. ...