Masakit na Kili-kili
Braso | Rayumatolohiya | Masakit na Kili-kili (Symptom)
Paglalarawan
Ang kilikili tinutukoy bilang axilla o axillary cavity sa medikal. Ito ay madaling kapitan ng mga impeksyon. Mas maaaring bumuo sa lugar na ito ang mga pigsa, rashes at impeksyon sa balat dahil ang bakterya ay madaling umusbong sa mainit at mamasa-masang mga kulungan ng balat. Bukod dito, ang balat sa lugar na ito ay mas manipis at samakatuwid ay mas sensitibo.
Maaari ring sinamahan ng mga pagbabago sa kulay at pagkakayari ng balat ang pananakit ng kilikili. Maaari itong magsanga sa balikat at braso. Karaniwang nagpapahiwatig ng isang impeksyon sa pathogenic ang pamamaga ng kilikili, ngunit ang pagdaramdam nito ay maaaring dahilan ng iba pang mga kondisyong medikal.
Mga Sanhi
Maaaring maging isang simpleng bagay ang sakit sa kilikili tulad na lamang ng isang hinugot na kalamnan o pinched nerve. Gayunpaman, maaari rin itong magpahiwatig ng isang mas seryosong kondisyong medikal. Madaling maapektuhan ang bahaging ito dahil sa mga malupit na sangkap na naroroon sa mga deodorant, antiperspirant o mga produktong pagtanggal ng buhok dahil ang balat sa bahaging ito ay mas sensitibo.
Maaaring pumasok ang bakterya sa pamamagitan ng hiwa o bali sa balat at posibleng magbunga ng impeksyon. Maaaring bumuo ng mga pigsa o cyst kung naiirita ang balat. Isa pang kundisyon na maaaring magbigay ng bukol sa bahagi ng kilikili ay ang Hidradenitis suppurativa. Kadalasang sinamahan ng iba pang mga sintomas tulad ng sakit, pamumula, pamamaga at nasusunog na pandamdam ang pag-unlad ng mga bukol o cyst.
Maaaring maging sanhi din ng sakit sa kilikili ang lymphadenitis o pamamaga ng mga lymph node. Madalas itong lumitaw sa bahagi ng kilikili. Ito ay maaari ring maging usang impeksyon sa tisyu sa dibdib na ang mga kababaihang dumaranas ng kanser sa suso ay maaari ring magkaroon ng isang masakit na bukol sa kilikili. ...