Pamamaga ng Tiyan


Sikmura | Gastroenterology | Pamamaga ng Tiyan (Symptom)


Paglalarawan

Ang pamamaga ng tiyan ay kilala rin bilang paglaki ng tiyan na nangyayari dahil sa sobrang katabaan at paglaki ng matris habang nagbubuntis.

Mga Sanhi

Kadalasan, ang pamamaga ng tiyan, o distensyon, ay sanhi ng sobrang pagkain o ng isang seryosong sakit. Ang problemang ito ay pwedeng sanhi ng paglunok ng hangin (isang gawing nervous), akumulasyon ng likido sa tiyan na pwedeng maging isang senyales ng isang seryosong probleamg medikal, gas sa mga bituka mula sa pagkain ng mga pagkaing mataas sa fibre tulad ng mga prutas at gulay, irritable bowel syndrome, Lactose intolerance, Ovarian cyst, Partial bowel blockage, Pagbubuntis, Premenstrual syndrome (PMS), Uterine fibroids, Pagdagdag ng timbang.

Ang hangin sa tiyan o bituka ay maaring maging hindi komportable, bumubundat na distensyon ng tiyan. Ang ilang mga babae ay nakakaranas ng distensyon ng tiyan dahil sa pansamantalang retensyon ng tubig bago magkaregla. Ang ibang mga sanhi ay pwedeng maging higit na seryosong. Halimbawa, ang ascites (akumulasyon ng likido sa pagitan ng mga organo), ay maaring isang sintomas ng kanser o sakit ng puso, mga bato, o atay; ang pamamaga ri ay maaaring dahil sa obstruksyon ng bituka o cyst ng obaryo.

Pagsusuri at Paggamot

Ang diyagnosis ng sanhi ay maaaring mayroong kasamang X-ray ng tiyan, ultrasound scanning, laparotomy, o laparoscomy. Sa ascites, ang ilang mga likido sa pagitan ng mga organo ay pwedeng alisin para sa eksaminasyon.

Ang pagang tiyan na sanhi ng pagkain ng mabigat ay mawawala rin kapag natunaw na ang pagkain. Ang pagkain ng katamtaman ay makakatulong sa pagpigil ng pamamaga. Para sa pagang tiyang sanhi ng paglunok ng hangin, ang mga sumusunod ay dapat na gawin: pag-iwas sa mga inuming carbonated, pag-iwas sa mga nginunguyang gam o pagsipsip ng mga kendi, pag-iwas sa pag-inom ng mga mainit na inumin sa pamamagitan ng straw at pagkain ng mabagal. ...