Panic or Attack
Head | - Iba | Panic or Attack (Symptom)
Paglalarawan
Ang panic attacks ay maaaring sintomas ng isang anxiety disorder. Ang edad kung saan nagkakaroon ng panic attack ang isang tao ay mula 15-19 na taon. Isa pang katotohanan na tungkol sa panic ay, itong sintomas na ito ay kapansin-pansing kakaiba sa ibang uri ng anxiety. Ang panic attack ay nangyayari ng biglaan at hindi inaasahan, para baga'y walang dahilan, at kadalasang sumasalanta. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng panic attack, halimbawa, habang nagmamaneho, namimili sa matataong lugar, o pagsakay sa elevator, maaari silang makabuo ng irrational fear na tinatawag na phobias, patungkol sa mga sitwasyong ito. Katulad ng ibang mga seryosong karamdaman, ang panic disorder ay maaaring magkaroon ng seryosong epekto sa araw-araw na pamumuhay ng isang tao liban nalang kung ang indibidwal ay nakakuha ng epektibong paggamot.
Mga Sanhi
Kahit na ang mga eksaktong sanhi ng panic attacks at panic disorder ay hindi malinaw, ang tyansang magkaroon ng panic attacks ay tumatakbo sa loob ng pamilya. Mayroon ring lumalabas na koneksyon sa major life transitions gaya ng pagtatapos sa kolehiyo at pagpasok sa trabaho, pagkakasal, at pagkakaroon ng anak. Ang malubhang stress, tulad ng pagkamatay ng isang minamahal sa buhay, divorse, o pagkawala ng trabaho ay maaaring mapunta sa pagkakaroon ng panic attack.
Maaari ring dulot ng mga medikal na kondisyon at pisikal na dahilan ang panic attacks gaya ng: mitral valve prolapse, isang minor cardiac problem na nangyayari kapag ang isa sa mga heart valve ay hindi sumara ng maayos; hyperthyroidism; hypoglycemia; paggamit ng stimulant (amphetamines, cocaine, caffeine); at medication withdrawal.
Pagsusuri at Paggamot
Ang panic attacks at panic disorder ay mga kondisyon na nagagamot. Maaari itong magamot ng maayos sa pamamagitan ng self-help strategies o isang serye ng therapy sessions. ...