Beltsing at hangin

Sikmura | Gastroenterology | Beltsing at hangin (Symptom)


Paglalarawan

Ang beltsing, na kilala rin sa mga termino na pagdighay, ruktus, o eruktasiyon, ay nangangahulugan sa pagpapalabas ng hangin mula sa daanan ng digestive, higit sa lahat ang lalamunan at tiyan, sa pamamagitan ng bibig. Madalas itong may kasamang pangkaraninwang tunog at, kung minsa, mayroong pang kasamang amoy.

Mga Sanhi

Normal lamang na paguugali ang paglunok ng hangin, na pwedeng manggaling sa pagkain o paginom natin nang sobrang bilis. Maaari ding ma dighay kung umiinom tayo ng inumin na karbonato tulad ng alak, softdrinks o inuming pangenerhiya. Kung minsan, ang beltsing ay nagpapagaan ng pakiramdam na dulot ng hindi natunaw na pagkain.

Ang kakulangan sa ginhawa sa itaas na bahagi ng tyan na iniuugnay sa sobrang paglunok ng hangin ay maaaring umabot sa ibabang bahagi ng dibdib, na lumilikha ng mga sintomas na nagdudulot na ng sakit sa puso o baga. Ang beltsing na sinamahan ng iba pang mga sintomas tulad ng dispepsia, pagduwal at paginit ng pakiramdam sa puso ay maaaring isang palatandaan ng ulser o hiatal herniya. Ang iba pang mga sanhi ng beltsing ay maaari ding maging: alergi sa pagkain, mga problema sa apdo, sakit sa reflux sa asido, hiatal hernia, H. pylori, gastritis.

Ang mga sanggol ay madalas na nakakalulon ng hangin sa tiyan habang pinapakain, at maaari itong maging magdulot ng labis na pagkabalisa at / o kakulangan sa ginhawa pwera na lamang kung ang sanggol ay napadighay na.

Pagsusuri at Paggamot

Upang mabawasan ang pakiramdam ng kabusugan, maaaring makatulong na iwasan o bawasan na lamang ang pagkain ng mga pagkain na gumagawa ng maraming gas. Maraming mga karbohidrat ang nagdudulot ng hangin, at kadalasan ang mga pagkain na ito ang may sala: inihurnong beans, brokoli, spraut na bruselas, repolyo, karbonato na inumin, koliplor, at babol gam, mga prutas tulad ng mansanas, mga milokoton at peras, matapang na kendi, litsugas.

Ang beltsing ay maaari ding mabawasan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng dahan-dahan, pag-iwas sa mga karbonato na inumin at serbesa, pagiwas sa babol gam at matitigas na kendi, itigil ang paninigarilyo, pagusisa sa pustiso, paggamot ng paginit ng pakiramdam sa puso. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».