Depigmentasiyon ng balat

Balat | Dermatolohiya | Depigmentasiyon ng balat (Symptom)


Paglalarawan

Ang depigmentasiyon ay ang pag-labnaw ng kulay ng balat, o pagkawala ng pangkulay ng balat ng tao. Ang mga karamdaman na naiuugnay sa pigmentasiyon ng balat ay nakakaapekto sa kulay ng balat. Ang selula ng balat na nagbibigay ng kulay sa balat sa pamamagitan ng paggawa ng isang sangkap na tinatawag na melanin. Kapag hindi malulusog o maaaring nasira ang mga selula na ito, maaari itong makaapekto sa paggawa ng melanin. Maaaring makaapekto ang pigmentasiyon sa maliit na parting bahagi lamang ng balat. Ang iba naman ay maaaring makaapekto sa iyong buong katawan.

Mga Sanhi

Ang depigmentasiyon ay maaaring sanhi ng isang bilang ng mga lokal at sistematikong kondisyon. Ang pagkawala ng pangkulay ng balat ng tao ay maaaring bahagya lamang (tulad ng pagkatapos ng pinsala sa balat) o kabuuan (tulad ng mula sa vitiligo). Maaari itong maging pansamantala (tulad ng mula sa tinea versicolor) o permanenteng (tulad ng mula sa albinism).

Kung labis na gumagawa ang iyong katawan ng melamin, magreresulta ito ng mas maitim na balat. Ang pagbubuntis, sakit na tinatawag na addisons at pagkababad sa araw ay maaaring gawing mas maitim ang iyong balat. Kung kaunti naman ang ginagawang melamin ng iyong katawan, ang iyong balat ay magiging maputla. Ang Vitiligo ay isang kondisyon na nagdudulot patse ng mga mapuputlang balat Maaari ding makaapekto ang albinismo na isang kondisyon sa henetiko na nakakaapekto sa balat ng isang tao. Ang mga impeksyon, paltos at paso ay maaari ding maging sanhi ng mga mapuputing patse sa balat.

Karamihan, ang depigmentasiyon ng balat ay naiuugnay sa mga taong ipinanganak na may vitiligo, na nagdudulot sa pagkakaroon ng mga patse-patseng bahagi ng maputi at maitim na balat. Ang vitiligo ay kumakatawan sa pagkawala ng pigmentasiyon sa mga patse ng balat. Maaari itong makaapekto sa mga tao ng anumang lahi o pangkat etniko, at kadalasang nangyayari sa likod na bahagi ng kamay, mukha at kili-kili. Maaaring mamana ang karamdamang ito at madalas na naiuugnay sa mga sakit na kontra-imyun.

Ang depigmentasiyon ay may mga sintomas na: biglaan o unti-unting pagkawala ng normal na itsura ng balat kasama ang pagkaubos ng pangkulay ng balat. Matatalim ang mga gilid ng apektadong balat ngunit ito’y may irregular na hugis. Ang pagkawala ng pangkulay ng balat ay madalas na nakikita sa mukha, siko, tuhod, kamay, paa, at ari ng lalaki. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».