Trauma sa balat
Balat | Dermatolohiya | Trauma sa balat (Symptom)
Paglalarawan
Ang kontusiyon ay isang uri ng pinsala sa katawan, na hindi nakakatagos sa katawan ng tao na dulot ng aksyon ng mga matitigas na bagay, malalaki o mapurol na ibabaw na bahagi, na umaakto sa katawan sa pamamagitan ng isang malakas na puwersa. Nakadepende ang epekto ng pinsala na makukuha ng katawan sa lakas ng pwersa at lakas ng enerhiya na ibinigay sa katawan, na nagdudulot ng sugat sa ibabaw na bahagi ng balat kagay ng pasa, o pinsala sa mga organo at visera na maaaring ikamatay ng nasugatang tao, bilang isang bali sa katawan.
Kilala ang pasa bilang kontusiyon sa medikal na aspeto. Ang pasa ay isang pinsala sa malambot na bahagi ng tisyu, na nagbibigay resulta sa pagkasira ng mga lokal na kapilyari at pagkawala ng pulang selula ng dugo. Makikita ang mga pasa bilang mapula-pula sa balat. Maaari ding magresulta ng pamamaga sa balat ang bahagi kung saan merong pasa. Kapag tuluyang nawala na ang pasa, nagiging kulay berde at kayumanggi ito habang ang katawan ay nagbabago ng metabolismo para sa mga selula ng dugo at bilirubin na kumukulay sa balat. Ang pinakamahusay na panglunas sa isang lokal na pasa ay agarang aplikasyon ng isang malamig na pakete matapos ang isang pinsala.
Kapag ang katawan ay huminto sa pagsuplay ng dugo sa isang bahagi ng lugar ng katawan magdudulot ito ng isang sugat o presyon sa balat, pati narin ang mga tina ng balat sa parte na iyon. Ang tao na madalas magkulong sa kama o laging nakaupo sa isang upuang degulong ay nagdudulot ng presyon sa parehong bahagi ng katawan sa matagal na panahon. Binabawasan nito ang pagdaloy ng dugo sa parting ito, na magpapataas ng tyansang magkaroon sila ng bukas na uri ng sugat. Lumalala sa katagalan ng kondisyon kapag ang pasyente at pilit na hinahawakan ang katawan kontra sa sapin o biglaang itinaas mula sa kamang hinihigaan o upuan. ...