Mabagal na Pagtibok ng Puso (Bradycardia)

Dibdib | Kardiyolohiya | Mabagal na Pagtibok ng Puso (Bradycardia) (Symptom)


Paglalarawan

Ang Bradycardia ay isang kondisyong medikal na nailalarawan sa pamamagitan ng isang hindi normal at ang biglang pagbagal sa pagtibok ng puso, ang bilang ng isangg pusong nagpapahinga na mas mababa sa anim na pung (60) pintig bawat minute, kahit na ito ay bihirang palatandaan hanggang sa bumaba ang bilang nito na bababa sa limampung (50) pintig bawat minuto.

Mga Sanhi

Ang pintig nga isang mabagal na pusong nagpapahinga ay karaniwang para sa mga atletang nasanay o mga malulusog na batang indibidwal. Para sa ilang mga pasyente, maaari itong maging isa sa mga dahilan ng pagpigil sa pagtibok ng puso, maaaring hindi nagbobomba ng sapat na oksiheno sa mga puso ng mga pasyenteng may bradycardia. Para sa ibang tao, ang bradycardia ay maaaring magpakita ng isang pinagbabatayang karamdaman katulad na lamang ng hypothyroidism o ang pagharang sa puso.

Ang bradycardia ay maaari ring mangyari bilang isang resulta ng paggamit ng mga gamot na beta-blocker. Ang pagkahimatay ay maaaring mangyari sa sinus bradycardia kapag ang puso ay biglang bumagal. Ang bradycardia na namamahinga ay kadalasang maiituturing karaniwan kapag ang indibidwal ay walang nararamdamang iba pang mga sintomas tulad ng pagkapagod, panghihina, pagkahilo, pagkalipong ng ulo, pagkahimatay, kakulangan ng ginhawa sa dibdib, mabilis na pagtibok o igsi sa paghinga na nauugnay dito.

Ang Bradycardia ay dahilan ng isang bagay na gumagambala sa normal na pagsalpok ng kuryenteng nagkokontrol sa pintig ng pagkilos sa pusong nagbobomba. Maraming mga bagay ang maaaring maging sanhi o mag-ambag sa mga problemang elektrikal na sistema ng iyong puso, kabilang dito ang: pinsala sa tisyu ng puso na nauugnay sa pagtanda, pinsala sa mga tisyu sa puso mula sa sakit sa dibdib o atake sa puso, mataas na presyon ng dugo (hypertension), congenital na depekto sa puso, impeksyon ng tisyu sa puso (myocarditis), isang komplikasyon ng operasyon sa puso, hypothyroidism, nakahahadlang na sleep apnea, nagpapaalab na sakit, tulad ng rheumatic fever o lupus, mga gamot, kabilang ang ilang mga gamot para sa iba pang mga sakit sa ritmo sa puso, mataas na presyon ng dugo at psychosis.

Pagsusuri at Paggamot

Ang isang medikasyon ng bradycardia ay kadalasang natutukoy sa pamamagitan ng pag-imbestiga o isang EKG at ang paggamot ay nakasalalay kung ang tao ay matibay o hindi matibay. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».