Maamoy o Amoy ng Ihi

Pelvis | Urolohiya | Maamoy o Amoy ng Ihi (Symptom)


Paglalarawan

Ang normal na ihi ay malinaw at parang dayaming kulay dilaw. Habang ang ibang ihi ay nagbabago hindi ito maamoy.

Mga Sanhi

Sa dehaydrasyon, ang ihi ay higit na konsentrado at maaaring mayroong malakas na amoy ng ammonia kaysa normal. Ang pagkonsumo ng ilang mga pagkain tulad ng asparagus ay pwedeng makaapekto sa amoy ng ihi. Gayunrin, ang pagkonsumo ng saffron, alak, kape, isdang tuna, at sibuyas ay pwedeng magresulta sa mga dalahirang amoy. Partikular, ang mga maanghang na amoy ay pwedeng mayroong katulad na epekto, dahil ang kanilang mga compound ay dumadaan sa mga bato ng hindi masyadong nadudurog bago lumabas sa katawan.

Ang amoy ng ihi ay pwedeng maging sintomas ng maraming uri ng kondisyon, kasama ang impeksyon, implamasyon, o ibang mga kondisyon ng pang-ihing trak (mga bato, yuritir, pantog, at yuritra). Ang amoy ng ihi ay pwede ring sanhi ng mga sakit, tulad ng dyabetis at dehaydrasyon, na nakakaapekto sa pang-ihing trak gayun na rin sa ibang mga sistema ng katawan. Ang amoy ng ihi ay pwedeng mangyari sa lahat ng edad, at ito ay maaari o hindi maaaring mangyari ng mayroong karamdamang mga sintomas, tulad ng maulap na ihi, madugong ihi, at hapdi sa pag-ihi.

Kapag mayroong impeksyon sa pang-ihing trak, ang ihi ay maaaring magkaroon ng mabahong amoy at maging maulap o madugo. Ang ihi ay maaari ring magkaroong ng hindi karaniwang matamis na amoy sa hindi kontraladong dyabetis, at ilang bihirang kondisyong genetik ay pwede ring magsanhi ng abnormal na amoy sa ihi. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».