Sakit ng Natapilok na Bukong-bukong
Paa | Ortopediks | Sakit ng Natapilok na Bukong-bukong (Symptom)
Paglalarawan
Ang pagkatapilok ay napakakaraniwan lalo na sa mga atleta. Ang malaking bilang ng mga tao ay nakakaranas nito araw-araw.
Ang pagkatapilok ay isang pinsala sa isa sa mga litid ng iyong bukong-bukong. Ang mga litid ay matitibay na bigkis ng mga tisyung naghahawa ng mga buto. Kahit na ang mga litid ay naiinat, kinakailangan lamang ng biglang pag-ikot nito upang uminat ito ng sobra o malagot.
Mga Sanhi
Natatapilok kapag ang paa ay tumapak sa lupa sa isang angulo, o kung mayroong sobrang pwersa. Ang panganib ng tapilok ay tumataas kung ang isang tao ay mayroong ng natapilok na bukong-bukong sa nakaraan; naglakad, tumakbo, o naglaro sa mga hindi pantay na kalatagan; nagsuot ng mga sapatos na hindi sakto sa paa o walang magandang suporta; naglaro ng mga isport na nangangailangan ng biglang mga pagbabago sa direksyon, tulad ng putbol, soccer, at basketbol.
Makakaranas ang mga taong natapilok ng: sakit ng bukong-bukong, na pwedeng maging katamtaman hanggang matindi; pamamaga; paglagutok habang nangyayari ang pinsala; hirap sa paggalaw ng bukong-bukong; pagpapasa; kawalang-tatag ng bukong-bukong (sa mga malubhang tapilok).
Pagsusuri at Paggagamot
Upang mapabilis ang paggaling, mahalagang ipahinga ang bukong-bukong, ang yelo ay inilalagay sa bukong-bukong, lagyan ng elastikong bendahe ang iyong bukong-bukong; itaas ang iyong bukong-bukong o uminom ng mga pamatay-sakit na pangontra implamasyon. ...