Pagbabago sa kulay at tekstura ng dumi
Puwit | Gastroenterology | Pagbabago sa kulay at tekstura ng dumi (Symptom)
Paglalarawan
Ang karaniwang kulay ng dumi ng tao ay kayumanggi. Karaniwan na ang pagbabago ng kulay sa dumi ng tao ay hindi naman nakakapinsala at nakukuha dahil sa mga kinakain. Gayunpaman, maaari din maging sanhi ng isang hindi gaano o malubhang karamdamang medikal ang pagbabago ng kulay sa dumi ng tao at pwedeng makuha sa ilang mga gamot.
Mga Sanhi
Ang kulay ng dumi ng tao ay karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng partikular na apdo, ang bilirubin sa apdo. Nabuo ang bilirubin na nanggaling sa hemoglobin na pinapakawalan ng pulang selula ng dugo. Binabago ng kemikal sa atay ang mga napakawalan nan a hemoglobin. Depende sa konsentrasyon ng biliburin, maaaring magiba ang kulay ng apdo mula sa halos itim na kulay nito papuntang sa kulay dilaw. Naglalakbay and apdo sa pamamagitan ng mga daluyan na para sa apdo at gallbladder at bituka.
Maaari ding maging mangitim ang dumi ng isan tao kapag may nangyaring pagdurugo sa bituka o pagkain ng mga pagkain na mayaman sa iron o paginom ng mga suplemento ng iron.
Ilang mga gulay at prutas tulad ng beet ang posibleng gawing mamula-mula ang kulay ng dumi ng tao. Ang mapulang dumi ay maaaring sanhi ng pagdurugo ng bituka mula sa gitnang bahagi bituka o proximal colon dahil sa ulser, bukol, sakit na kron, ulserativ kolitis. Ang maitim na kulay ng dumi ay nakukuha ng kakulangan ng apdo dahil sa pagbara ng pangunahing daluyan ng apdo at maputlang dilaw, madulas, mabahong dumi ng tao: malabsorption ng taba dahil sa kakulangan sa pankreatiko, tulad ng nakikita sa pankreatitis, kanser sa pankreatiko, saystik fibrosis, sakit na seliyak.
Maaaring maging isang senyales na ng malubhang karamdamang medikal ang pagiiba ng kulay sa dumi na tumatagal ng mahabang panahon at hindi nailalabas ng isang dumi lamang at ito ay kailangang suriin. ...