Namamagang Glandulang Lymph

Lalamunan | Endokrinolohiya at Metabolismo | Namamagang Glandulang Lymph (Symptom)


Paglalarawan

Ang mga lymph node ay importanteng parte ng sistemang immune ng katawan at tumutulong sa mga impeksyon. Ang mga ito ay maliit, malambot, bilog o parabilog na mga istrukturang natatagpuan sa buong katawan at konektado sa isa’t isa na parang kadena (mga lymphatic chain) sa pamamagitan ng mga tsanel na katulad sa ugat. Ang bawat isang lymph node ay binabalutan ng kapsulang gawa sa mga tisyung konektib.

Ang mga lymph node ay natatagpuan sa buong katawan. Ang ilan ay direktang nasa ilalim balat habang ang iba naman ay nasa loob ng katawan. Kahit na ang pinakamalapit na mga lymph node sa balat ay kadalasang hindi nakikita o nararamdaman, maliban nalang kung ang mga ito ay lumaki o namaga para sa ilang rason.

Mayroong higit sa 600 na mga lymph node sa buong katawan, ngunit ang mga pinakakaraniwang lumalaki o namamaga ay natatagpuan sa leeg, sa ilalim ng baba, sa mga kili-kili, at sa singit. Ang mga pagang lymph node ay kilala rin bilang lymphadenitis, lymphadenopathy, pagang mga node, o mga pagang glandula.

Mga Sanhi

Ang mga ito ay pwedeng mangyari sa kahit anong edad, ngunit pangkalahatang nangyayari ng madalas sa mga bata. Ang katawan ay umaasa sa sistemang lymphatic upang labanan ang mga mikrobyo, impeksyon, at abnormal na substansyang tulad ng mga selula ng kanser. Ang mga lymph node ay mahalagang parte ng sistemang immune ng iyong katawan.

Maraming mga sanhi ang pagang lymph node, kung minsang tinatawag na mga glandulang paga (lymphadenopathy o lymphadenitis). Sa pangkalahatan, ang mga lymph node ay namamaga kapag ang mga ito ay aktibo dahil sa impeksyon, implamasyon, o kanser. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».