Tachycardia o Mabilis na pagtibok ng puso
Dibdib | Kardiyolohiya | Tachycardia o Mabilis na pagtibok ng puso (Symptom)
Paglalarawan
Ang tachycardia ay pangalang medikal na ibinigay mula sa mabilis na pagtibok ng puso. Ang malusog na tibok ng puso ng isang adult ay 60-90 na beses habang ang tao ay nagpapahinga. Para sa mga taong nagdurusa sa tachycardia, ang tibok ng puso ay lumalagpas sa karaniwang tibok nito. Ang tibok ng puso ay kinokontrol ng electrical signals na ipinapadala sa cardiac tissue.
Mga Sanhi
Nangyayari ang tachycardia kapag ang isang problema sa electrical signals ay naglabas ng tibok na mas mabilis kaysa sa normal na tibok ng puso. Maaaring walang sintomas o komplikasyon ang ilang mga kaso ng tachycardia. Ngunit, maaaring lubhang maapektuhan ng tachycardia ang normal functioning ng puso, pinapataas ang panganib na magkaroon ng stroke o atake sa puso. Kapag ang tibok ng puso ay masyadong mabilis, maaari itong mapunta sa pagkakulang ng oxygen sa mga organs at tissues.
Ang hindi makontrol na ritmo ng puso ay maaaring mapunta sa mga sumusunod na sintomas: pagkahilo; paghinga ng mabilis; pagtaas ng pulso; panginginig; pagsakit ng dibdib; at syncope. Maaari ring mangyari ang mga medikal na problema kapag ang pagbilis ng tibok ng puso ay ayaw tumigil o nangyayari paminsan-minsan. Naniniwala ang mga physicians na, hanggang sa isang tiyak na punto, maaaring sobrang nakatutulong ang tachycardi dahil tumutulong ito para mahalaw sa mga nakakastress na sitwasyon o effort. Ang kondisyong ito ay nangyayari matapos ang isang panic attack, pagkasobra sa kape, emosyon, effort, at stress. ...