Bleparospasam o Inboluntaryong paggalaw ng mata


Mata | Optalmolohiya | Bleparospasam o Inboluntaryong paggalaw ng mata (Symptom)


Paglalarawan

Ang bleparospasam ay isang karamdaman sa paggalaw ng neurolohikal na kasama na ditto ang hindi sinasadya at matagal na pag-urong ng mga kalamnan sa paligid ng mga mata.

Isa sa mga paunang sintomas ay ang hindi mapigilang pagkurap. Isang mata lamang ay kadalasang unang naaapektuhan, ngunit paglaon ay karaniwang ang dalawang mata na ang apektado. Maaaring magiwan ng pasma sa mga takipmata na sarado, na nagiging dahilang ng pagkabulag kahit na normal naman ang kondisyon ng mata at mga paningin. Isang uri ng fokal distoniya ang blesparospasam. Ang mga pasyente ay karaniwang mayroong normal na mga mata, ngunit pagdating ng panahon ay manlalabo ang paningin dahil narin sa kawalan ng kanilang kakayahan na buksan ang kanilang mga takipmata.

Mga Sanhi

Hindi alam ang sanhi, ngunit ang pagkapagod, stress, o isang iritante ay posibleng mga dahilan na nagaambag sa sakit. Ang bleparospasam ay maaaring sapilitan nakukuha sa mga gamot, tulad ng mga ginagamit upang gamutin ang sakit na Parkinson. Kapag ito ay dahil sa mga gamot na kontraparkinsoniyan, nagpapagaan sa problemang ito ay ang pagbabawas ng dosis. Ang bleparospasam ay maaari ding magmula sa abnormal na paggana ng utak basal gangliya. Ang bleparospasam ay maaari ding isang sintomas ng matinding pag-alis mula sa benzodiazepine.

Maaarin ding maging resulta ng iba pang kondisyon ang bleparospasam, na tinatawag na pangalawang bleparospasam, kasama na ditto ang pinsala sa utak, kabaligtaran sa dapat na reaksyon sa mga iniresetang gamot at maraming sklerosis. Ang bleparospasam ay madalas na nangyayari nang di inaasahan nang walang tiyak na kadahilanan. Bihirang, maaari itong magkaroon sa mga magkakapamilya.

Pagsusuri at Paggamot

Ang ilang sintomas ng bleparospasam ay: labis na pagkurap at pamamanhid ng mga mata, kung minsan ay tumatagal ng ilang minuto o kahit na oras, pagkatuyo ng mga mata, pagkasensitibo sa araw at maliwanag na ilaw, hindi mapigilan na pag-ikli o twiches ng mga kalamnan ng mata at nakapalibot na bahagi sa mukha.

Maaaring kabilang sa mga paggamot ang botulinum toxin injection, medikal na gamot na terapi at operasyon. Possible din na naging epekto lamang ang bleparospasam ng ilang mga gamot at ang pagpapalit sa mga iniinom na gamot ay pwedeng upang mapigilan ito. Maaaring magpalabas ng kondisyon ito ang sobrang pagod na maliwanag na ilaw, samakatuwid ang pagiwas sa ganitong klase ng sanhi ay tumutulomg upang malimitahan ang pagkakataon ng pagkakaroong ng pasma. Madalas na inirerekomenda sa mga kondisyong ito ay ang pagsusuot ng salaaming pangaraw at pamamahala ng maayos sa stress. ...