Pag-igting at Pagkapagod ng Paa


Paa | Ortopediks | Pag-igting at Pagkapagod ng Paa (Symptom)


Paglalarawan

Ang pagkapagod ng paa ay isang pangkaraniwang kalagayan na nangyayari pagkatapos tumayo o maglakad nang mahabnh oras. Ang kalamnan ng paa ay nagiging pagod na pagod at nagdudulot ng pamumulikat at ang nakakaramas nito ay maaaring manlambor. Ang pagkapagod ng paa ay mas karaniwan sa mga taong nagtatrabaho na nakatayo na lamang sa mahabanh oras, kasama na din dito ang mga mananakbo.

Mga Sanhi

Ang pagkapagod ng paa ay maaaring magdagdag sa bilang ng mga salik mula sa edad at sa kung gaano katagal na ginagamit ang paa sa pagtayo o paglalakad. Ang foot fatigue ay maaari din sanhi ng iba pang mga kundisyon sa paa tulad ng flat feet.

Ang mga sintomas ng kapaguran ng paa ay ang mga sumusunod: pamamaga, pagkirot, pamumulikay at pagsakit. Ang mga sintomas na ito ay maaaring maranasan sa buong paa o sa posisyon tulad ng bola ng paa, balantok, o takong.

Pagsusuri at Paggamot

Ang pinakakaraniwang anyo ng pag-iwas sa kapaguran ng paa ay ang pagsusuot ng mga kumportableng sapatos na may tamang suporta. Ito ay napaka halaga para sa mga taong nakatayo o naglalakad nang mahabang panahon. Ang pagmasahe at paggalaw ng paa ay inirekomenda ng alco upang makapagpahinga ang mga kalamnan.

Karamihan sa mga kaso ng kapaguran ng paa ay maaaring magamot mula sa bahay, subalit kailangan ng isang doktor kung ang kalagayan ay lumala, o kung hindi ito makahanap ng pagwala mula sa sakit. Kung ito ang kaso, maaaring may isa pang pinagbabatayanang sanhi ang pananakit o pangangalay ng paa gaya ng Flat Feet. ...