Paltos
Balat | Dermatolohiya | Paltos (Symptom)
Paglalarawan
Ang paltos ay ang pagkakaroon ng koleksyon ng likido sa ilalim na panlabas na bahagi ng balat na bumubuo lumolobong bahagi sa lugar na iyon. Mukha silang mga bula sa ibabaw ng balat. Ang isang paltos ay naglalaman ng likido na lumabas mula sa mga daluyan ng dugo sa pinagbabatayan na mga layer ng balat matapos ang hindi gaanong malalang pinsala at pinoprotektahan ang nasirang tisyu. Kilala sa terminong pang medikal ang maliliit na paltos bilang vesikel. Ang bullae naman ay ang mga paltos na nabubuo na mas malaki ng 1 sentimetro ang kabuuang sukat.
Kadalasang puno ng malinaw ng likido na tinatawag ding suwero o plasma ang mga paltos. Gayunpaman, maaaring maglaman ng punong dugo ang mga paltos, na kilala rin bilang paltos na may dugo o may nana, kung sila ay may iimpeksyon. Nakadepende sa dahilan ng pagkakapaltos, maaari itong magdulot ng pa isa-isa o maramihang dami ng paltos. Kaibahan sa nana at pigsa, na naglalaman ngnmga likido na makikita sa malalim na bahagi ng tisyu, ang mga paltos naman ay makikita lamang sa pinaka mababaw na bahagi ng balat.
Mga Sanhi
Karaniwang mga sanhi ay pagkasunog at nakiskis. Ang mga paltos ay maaari ding maganap sa pempigus, pempigoyd, dermatitis herpetiformis, ilang uri ng poryriya, at ilang mga sakit sa balat. Kabilang dito ang eksema, epidermolisis bulyosa, impetigo, at eritema multiforme. Ang maliliit na paltos ay nabubuo sa mga malulubhang mga impeksyon tulad ng bulutong-tubig, herpes soster (shingles), at herpes simpleks.
Pagsusuri at Paggamot
Sa pangkalahatan, ang mga paltos ay pinakamahusay hinahayaan lamang, ngunit ang malaki o hindi maipaliwanag na paltos ay nangangailangan ng medikal na atensyon. ...