Sakit ng Ngipin
Bibig | Odontolohiya | Sakit ng Ngipin (Symptom)
Paglalarawan
Ang sakit ng ngipin ay nasa ngipin o panga, ito ay pwedeng magbigay ng kaunting hindi kaginhawahan o panlalambot, ang sakit ay hindi na kaya pa. Ang sakit sa ngipin ay palaging isang senyales na ang doktor ay kinakailangan bago ito maging isang emerhensiyang medikal.
Mga Sanhi
Ang mga sanhi ng sakit ng ngipin ay: mga lukab (cavity) – ang mga lukab ang pinakakaraniwang sanhi ng sakit ng ngipin, ang mga ito ay nabubuo kapag tinutunuw ng bibig ang mga asukal at nagiging asido na sumasama sa laway na tumutunaw naman sa enamel at dentin. Kapag hindi nagamot, ang bulok ay lalalim ng lalalim hanggang sa ang laman ay lumantad. Kapag naiwan ang mga tira-tirang pagkain sa malalaking lukab- ang mga lasong inilalabas ng bakterya ay magsasanhi ng pamumula ng laman; sakit sa galagid – ang mga namulang gilagid na nasa palibot ng ngipin at buto ay napipinsala. Ang sakit sa gilagid ay nangyayari kapag ang mga plaque ay naglalabas ng mga lasong nakakairita sa gilagid. Ang unang sintomas ng sakit na ito ay ang pagdugo ng mga gilagid, na kalaunan ay magsasanhi ng implamasyon at masakit na mga impeksyon; pagkakasensitibo ng ngipin- ito ay nangyayari kapag ang gilagid ay umurong at naglalantad ng ugat na nagsasanhi ng ngipin. Ang sakit ay nararamdaman sa mga mainit at malamig na mga pagkain; mga sira ng ngipin – trauma o masakit na pagkagat sa isang bagay / pagkain ay pwedeng magresulta sa pagkabiyak ng matitibay na ngipin. Ang paggamit o pagkakasagi sa mga ngiping may biyak ay nagsasanhi ng makirot na sakit. Ang problemang ito ay pwedeng maresolba sa pamamagitan ng crown, ngunit kung ang lama’y nailantad na sa impeksyon, ang obstruksyon ng tsanel ay kinakailangan na; mga pasak – ang sakit ay pwedeng mangyari kapag napasakan ang lukab na ipinrodyus ng isang lukab. Ito ay dahil sa pagkalat ng bulok sa laman at kaya naman ang tsanel ay nagbabara. Ang sakit ay pwedeng sanhi ng akumulasyon ng likido sa pagitan ng pasak at mga organikong dumi ng ngipin. Ang mga lumang pasak ay maaaring mabulok, magsanhi ng sakit. Ang pagkakaroon ng wisdom tooth ay pwedeng magsanhi ng sakit kapag ang mga ito ay hindi nakalinya ng maayos o kung ang mga ito ay natamaan sa sihang at nangangailangan ng surhikal na pag-aalis. ...