Malinaw na Agos sa Ari ng Babae


Pelvis | Hinekolohiya | Malinaw na Agos sa Ari ng Babae (Symptom)


Paglalarawan

Ang diskarga sa ari ng babae ay likidong pinuprodyus ng glandula sa mga haligi ng ari at kwelyo ng matris na umaagos mula sa labasan ng ari. Ang dami at anyo ng karaniwang diskarga ng ari ay nag-iiba sa siklo ng regla. Ang gayong diskarga ay pwedeng mag-iba-iba sa: kapal (makapal, malagkit, manipis); kulay (malinaw, maulap, puti, dilaw, berde); amoy (karaniwan, walang amoy, mabaho). Ang mga glandula sa kwelyo ng matris ay pwedeng magprodyus ng malinaw na mukosa. Ang mga sekresyong ito ay maaaring maging puti o dilaw kapag nalantad sa hangin. Ang mga ito ay normal na pagbabago.

Ang diskarga ng ari ng babae ay isang kombinasyon ng likido at mga selula na patuloy na naaalis sa iyong ari. Ang pagganap ng diskargang mula sa ari ay upang linisin at protektahan ang ari. Ang dami ng mukosa na pinuprodyus ng mga glandula sa kwelyo ng matris ay nagbabago sa siklo ng regla. Ito ay normal at nakadepende sa dami ng estrogen na umiikot sa iyong katawan. Normal rin para sa mga haligi ng ari ang pagprodyus ng ilang mga sekresyon.

Mga Sanhi

Ang mga sumusunod ay pwedeng magpataas sa dami ng normal na diskarga sa ari ng babae: emosyonal na istres, obulasyon (produksyon at paglabas ng itlong mula sa iyong obaryo sa gitna ng regla), pagbubuntis o sekswal na pagkasigla. Karamihan sa mga sanhi ng abnormal na diskarga sa ari ng babae, kasama ang mga impeksyong yeast, bakteryal vaginosis at mga menoposal na sintomas at ang mga ito ay hindi mapanganib, ang mga ito ay pwedeng maging sobrang hindi maginhawa. Ang isang abnormal na diskarga ng ari ay maaari ring may kasamang mga impeksyong naipapasang pansekswal, ang ilan ay pwedeng kumalat sa matris, obaryo, at mga tubong palopyan. ...