Tunnel Vision
Mata | Optalmolohiya | Tunnel Vision (Symptom)
Paglalarawan
Ang tunnel vision ay nangyayari kapag ang isang tao ay nawalan ng kayayahang makakita sa paligid ng visual fields habang pinapanatili ang visual acuity sa ilang rehiyong sentral. Ang paningin ay maaaring maturing na constricted at concentrated sa mga sentral na parte, na para bang ang isang tao ay nasa isang tunnel at tumitingin sa labas nito.
Mga Sanhi
Ang tunnel vision ay maaaring sanhi ng ilang uri ng pinsala sa optic nerve, sa retina ng mata, o sa parte ng utak na responsable sa pagproseso ng visual input.
Ang kawalan ng peripheral vision ay maaaring sintomas ng ilang mga kondisyon na nagdudulot ng malawakang pagkawala ng paningin. Ang pagkawala ng peripheral vision ay maaaring sanhi ng pinsala sa optic nerve, glaucoma o optic atrophy. Kapag ang mata ay mapula at laging iritado, dapat nang magpatingin sa opthalmologist, dahil maraming sakit ang responsable sa mga sintomas na ito - mula sa allergies hanggang sa malulubhang impeksyon (na kapag hindi nagamot ay mapupunta sa pagkabulag) hanggang sa pag-atake sa glaucoma. Ang mga taong nagsusuot ng contact lenses na mayroong mga sintomas ay dapat nang itigil ang pagsusuot ng mga ito at upang makapagbigay ng mabilis na medikal na atensyon. ...