Unusual Vaginal Discharge


Pelvis | Hinekolohiya | Unusual Vaginal Discharge (Symptom)


Paglalarawan

Ang vaginal discharge (leukorrhea) ay normal kung ito ay nasa tamang dami sa mga malulusog na kababaihan, na kung saan ay nililinis ng vagina ang sarili at nagpapanatili ng matatag na estado.

Ang paglabas ng likido sa vagina ay normal, kung nkapasok ito sa ilang posibleng limitasyon at maaaring humarap sa ganitong uri ng impeksyon minsan sa yugto ng buhay. Ang pinakakaraniwan ay kilala bilang bacterial vaginosis (karaniwang vaginal disorder na sanhi ng labis na paglaki ng saprophytic bacteria mula sa vagina). Ang iba pang mga impeksyon sa vagina ay karaniwang: candidiasis at trichomoniasis. Ang buwanang dalaw ay may malaking epekto sa uri ng vaginal discahrge na nararanasan ng isang babae sa buong buwan.

Ang lumalabas na likido dito ay umaamoy (masamang paraan), mala gatas na itsura, puti na maypagka malabo o malinaw, at kapag natutuyo sa kasuotang pang ilalim ay nagdudulot ng madilaw na kulay. Ang dami ng nilalabas ay nag-iiba alinsunod sa buwanang dalaw at mula isang babae patungo sa isa.

Mga Sanhi

Ang sanhi ng abnormal na vaginal discharge ay: vaginitis; bacterial vaginosis; cervical cancer; impeksyon kasama ang Chlamydia; kulugo; gonorrhea; menopos; pagbubuntis; buwanang dalaw; impeksyon ng fungi.

Ang mga salik na maaaring bumago sa kalagayan at hitsura ng mga secretion: siklo ng buwanang dalaw; emosyonal na stress; pagbubuntis; Mga produkto ng OTC (napakapopular na gamot, hindi reseta - analgesics / sedatives, gamot para sa sakit sa tiyan, heartburn) o mga hormonal na gamot; pagpukaw sa sekswal; pagpapasuso; obulasyon; pagkain.

Ang iba pang mga kadahilanan na maaaring makaapekto sa PH ng vagina at nagdudulot ng impeksyon ay ang mga intimate hygiene gels, sabon, antibiotics, pagbubuntis, diabetes o pagkakaroon ng iba pang mga impeksyon. Kung napansin ang mabigat na amoy ng ari ng babae na sinamahan ng hindi pangkaraniwang labnaw o lapot (magaspang, keso o puno ng tubig) at kulay-abo-maputi o maberde na puti ay nararapat na ikonsulta sa isang propesyonal na manunuri. Ang lahat ng ito ay mga palatandaan ng isang impeksyon o isang mas seryosong kondisyon. Ang iba pang mga sintomas na kasama ng ganitong uri ng discharge ay: pangangati o pagkapaso; nagiinit, masakit na pag-ihi; pagkakaroon ng dugo kahit tapos na ang buwanang dalaw. ...